Riot sa airport

MISTULANG riot ang media coverage nang dumating sa NAIA Terminal 2 si Hello Garci from Cotabato City last Sunday afternoon.

Naging overacting kasi ang mga kamoteng taga-PNP-Police Security and Protection Office na nag-secure kay Hello Garci, ang media kasi ang pinagdiskitahang saktan. Sabi nga, lumabas ang pagkabarumbado ng mga tulisan, este mali, lespu pala.

Ilang miyembro ng media ang nasaktan, nagkabukol nang ipagtulakan sila at balyahin ng mga kamoteng lespu. Si Julie Fabroa, photographer ng Manila Standard ay nagkabukol sa alulod nang sipain ng isang gagong lespiak pati ang jacket na suot ay napunit nang hilahin naman ng isang tarantadong lespu.

Si Rudy Genteroy, photographer ng Journal Publications at reporter ng Hataw ay nasaktan din sanhi ng paniniko ng mga gagong baboy, este mali, pigoy pala. Parang Calibrated Pre-Emptive Strike ang nangyari sa airport gayung alaws namang rally sa loob ng Terminal 2 Domestic arrival area.

Galit kasi sa media ang ilang tarantadong lespu kaya grabe kung gumanti. Mukhang pinabayaan ni PSPO bossing Ed Doromal ang kanyang mga alaga para saktan ang media.

Sabi nga, ganti-ganti lang toits sa masamang publicity inaabot ng mga katulisan. Bakit ba ganoon na lang katindi ang ngitngit ng mga lespu sa media kung hindi pinapatay ay sinasaktan?

"Ganito ba ngayon ang kanilang indocrination from their bosses?" tanong ng kuwagong pobreng alindahaw.

"Trabaho lang, walang personalan mga kamote," sabi ng kuwagong mangongodak sa Luneta.

"Gusto lang iparating sa madlang people ng media ang mga pangyayari sa bayan," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Hindi biro ang balita regarding Hello Garci malaki ito kahit na day off pa ang iba nating kabaro noong Linggo."

"Maganda kasi ang ginawa ni Hello Garci sa mata ng mga kriminal dahil nakaeskapo ito from Manila to Singapore kahit sangtaksan ang security sa paliparan."

Show comments