Parang kailan lang, tutol ako sa implementasyon ng EVAT. Tingin koy kontra-tiyempo. Lalung magmumukhang kontra-bida si Presidente Arroyo sa harap ng mga alegasyon ng katiwaliang kinakaharap niya. Pero naririyan na iyan kaya lunukin na natin ang mapait na pildoras na ayon sa mga ekonomistay magpapabuti sa ekonomiya. At bahagya nating nadama ang positibong epekto nito. Patuloy na lumalakas ang piso na hinuhulaang babag-sak pa sa P53 level kada dollar sa papasok na taon. Kaya I wish Mr. Buñag all the luck para ang kinakaila-ngang buwis ay makulekta ayon sa target at magamit nang wasto sa mga livelihood projects na makapagli- likha ng karagdagang kabuhayan sa mga nagdarahop na mamamayan.
May rason para pagtiwalaan si Commissioner Buñag bagamat masasabing virtually unknown siya bago maitalaga sa pinakamataas na BIR post. Taong 2002 nang mapasok siya sa BIR. Nang magrebelde laban sa GMA administration si dating BIR chief Guillermo Parayno at naging miyembro ng Hyatt 10, si Buñag ay itinalagang OIC. Maikli man ang karanasan niya sa BIR, siyay may mabigat na kredensyal dahil senior partner sa mga prestihiyosong law firms, propesor sa Ateneo sa taxation, philosophy at law. Humawak din siya ng mga sensitibong posisyon sa mga multi-national corporations. Bukod diyan, si Buñag ay top 2 sa bar exam noong 1969. Kabilang siya sa Batch 69 ng Ateneo at may doctorate sa taxation mula sa New York University.
Kaya mula sa pagiging BIR OIC, itinalaga siyang komisyunado dahil sa kanyang kredensyal at track record. Napatunayan niya ang kanyang abilidad dahil nang kumalas si Parayno, may P11.2 bilyong collection deficit ang BIR na mabilis na inaksyunan ni Buñag. Matapos lang ang unang buwan niya bilang OIC, nalampasan ng BIR ng 3 bilyon ang revenue collection target ng ahensya para sa naturang buwan. Kampante si Buñag at umaasang sa 2005 ay makakamit ng BIR ang target na P547 bilyon dahil sa ngayon pa lang aniya, malapit-lapit na sa P400 bilyon ang koleksyon ng ahensya.
Sa totoo lang, maraming mamamayan ang dumaraing sa EVAT at gustong alisin ito. Dapat patunayan ng gobyerno na makatitikim ng ginhawa ang mga mamamayan dahil sa bagong buwis na ito. Iyan ang hamon sa pamahalaan lalu na sa hepe ng BIR, Kom. Buñag.