Tumataas ang bilang ng may AIDS

NAKABABAHALA ang balitang mula Set-yembre hanggang sa kasalukuyan ay 21 kaso ng HIV/AIDS ang naitala ng Department of Health. Ayon sa DOH sa naturang bilang karamihan ay buhat sa Metro Manila. Napag-alaman na mula 1997 hanggang sa ngayon ay umaabot sa 2,354 cases ng HIV/AIDS ang natala sa Pilipinas at sa latest report ng World Health Organization (WHO) may apat na milyon na ang bilang ng mga may AIDS.

Puspusan ang kampanya ng WHO at DOH para matulungang alamin ng lahat ang tungkol sa AIDS. Kadalasan ay mga prostitutes at mga taong may multiple sexual partners ang dinadapuan ng sakit na ito. Maging ang mga bading ay nahahawahan din sa kanilang pakikipag-oral at anal sex. Ipinapayo na maging maingat sa inyong makaka-sexual partner.

Ang paggamit ng condom sa pakikipagtalik ay ipinapayo para maiwasang mahawahan ng AIDS.

Show comments