^

PSN Opinyon

Hindi ako titigil hangga’t hindi naisasara ni Mayor Fernando ang sugalan nina Arthur at Arlene

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAGHIHINGALO na ang illegal gambling operations sa peryahan ng mag-amang Arthur at Arlene sa Bgy. Parang sa Marikina City. Kung noong hindi ko pa sila nabibira, umaabot sa amin o 10 lamesa ang color at number games sa peryahan na matatagpuan sa Molina st., sa tabi mismo ng presinto ng pulisya at barangay hall. Subalit matapos maisara ng RISOO noong November 14, nag-umpisa sa dalawang lamesa ang pasugalan doon at noong Miyerkules ng gabi ay isang lamesa na lang ang natitira. Hindi ako titigil hanggang maipasara ni Mayor Marides Fernando ang peryahan ng mag-amang Arthur at Arlene para mabura ang pagyayabang nila na ‘‘untouchable’’ sila.

Kaya kayo diyan sa Bgy. Parang mga suki, ’wag kayong magsawa sa pagtawag sa akin ukol sa pasugalan diyan sa peryahan na sumisira lang sa pag-aaral ng mga kabataan sa lugar n’yo. Huwag na kayong maniwala na aaksiyon sa daing n’yo ang PCP commander na si Major Briones, dahil uniporme nga niya eh binabastos niya. Si Chairwoman Vicky Favis naman ay hindi n’yo rin maasahan dahil mukhang nakulimbat na n’ya ang padulas nina Arthur at Arlene hanggang February 7, ang kapistahan ng barangay, he-he-he! Babalikan ko at haha-gupitin si Sr. Supt. Manny Gaerlan ukol sa peryahang ’yan pagkatapos ng SEA games.

Nabanggit na rin lang ang SEA games, aba dapat din sigurong papurihan si NCRPO chief Dir. Vidal Querol sa security preparations ng naturang sports event sa Metro Manila. Ito palang NCRPO ay naatangang bantayan ang 25 sports venues, 25 billeting areas at 2,710 atleta sa Metro Manila lamang at hanggang kahapon ay wala pa akong naulinigan na krimen sa nangyari. Ayon kay Querol, ito na siguro ang pinakamagandang security preparations na inilunsad ng NCRPO kaya’t nasa ligtas na kamay ang mga atleta at delegates ng mga foreign contingents. Kung matagumpay na nairaos ang SEA games opening ceremonies, ipinangako ni Querol na ganun din ang mangyayari sa closing ceremony nito sa Dec. 5, he-he-he! Ang kasipagan ni Querol ay maaari nang maging kapital niya para maging PNP chief, di ba mga suki?

Pilit kasing iniiwasan ni Querol ang nangyari noong nakaraang Inter Parliamentary Union (IPU) conference sa Pasay City kung saan isang Belgian national ang naligaw at nabiktima nga ng holdap. Naaresto ang suspect subalit nagdulot ito ng itim na marka sa ating bansa. Kaya ang mga nightspots diyan sa Roxas Blvd., at maging sa Quezon City ay mahigpit na pinabantayan ni Querol dahil ayaw niyang uuwing luhaan ang mga atleta ng kalahok na bansa sa SEA games. Hindi lang ’yan, pati mga shopping at commercial centers ay may mga pulis din na handang tumulong bilang guide o interpreter man sa mga foreign athletes na gustong mamili ng pasalubong tulad ng barong at handicrafts sa kanilang pag-uwi sa kanilang bansa. Ang ibig kung sabihin mga suki, kahit saang sulok ng Metro Manila sa ngayon ay may kapulisan tayo. At hindi sila puwedeng mag-eskapo dahil palaging umiikot sina Chief Supt’s. Wilfredo Garcia ng SPD; Nicasio Radovan ng QCPD at Oscar Valenzuela ng EPD para siguraduhing hindi maisahan ng mga kriminal ang kapulisan.

ARLENE

BGY

CHIEF SUPT

INTER PARLIAMENTARY UNION

KAYA

MAJOR BRIONES

MANNY GAERLAN

METRO MANILA

QUEROL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with