Konting development lang, anila, at dadayuhin ng mga lokal at dayuhang turista ang kanilang lugar.
Ang ecotourism ay isa sa aking priority programs. Itinataguyod ko ito sapagkat bukod sa makatutulong sa kabuhayan ng mga naninirahan sa ecotourism site, nakatutulong din ito nang malaki sa conservation ng ating likas na yaman at biodiversity. Itoy dahil ang bida o pangunahing attraction sa ecotourism ay ang natural na ganda ng lugar o ng kalikasan.
Marami ang ecotourism spots sa bansa. Ilang halimbawa ay ang Hundred Islands sa Pangasinan, Mt. Pinatubo sa Pampanga, Mt. Banahaw sa Quezon, Coron Island at El Nido sa Palawan, Apo Reef Natural Park sa Davao.
Gobyerno ang nagmi-maintain sa ilang ecotourism sites. Malaking gastos ito para sa pamahalaan. Sa dami ng ginagastusang parke at posibleng ecotourism sites ay kapiranggot na pondo na lamang ang nailalaan ng gobyerno. Resulta: Napapabayaan ang mga ito.
Para mapangalagaan ang mga ito, handa ang gobyerno makipagtulungan o makipag-joint venture sa pangangasiwa ng mga ecotourism sites. Ibig sabihin nito, puwedeng-puwede na ang private sector o LGU ang magpatakbo ng mga ecotourism site.
Anu-anong lugar ito at paano ang kasunduan? Makipag-alam sa National Ecotourism Steering Committee na nakabase sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Nature Center para sa mga detalye.