Nag-umpisa ang away ng dalawang PNP officials nang maglagay ang bata ni Panen ng mga fruit games sa Antipolo City na sinuyod naman ng mga tauhan ni Tabujara. Mula noon, ang mga operating units ng Rizal PNP ay wala nang ginawa kundi magsagawa rin ng raid sa kaharian ni Tabujara. Nagbabakasakali kasi si Panen na madale ng three strike policy sa pasugalan ni PNP chief Dir. Gen. Arturo Lomibao si Tabujara. Pero matunog si Tabujara at hindi siya pumayag na may papasok na pasugalan sa siyudad ni Gatlabayan. Ayaw niyang masilipan siya ni Panen. Kaya ang payo ko sa mga taga-Antipolo na may reklamo laban sa kapulisan nila na dumiretso sila sa opisina ni Panen at tiyak may action kaagad sa hinaing nila. Hindi nangingiming mag-relieve si Panen ng mga tauhan ni Tabujara kung may kaso naman talaga sila.
Si Tabujara ay suportado pala ng Iglesia ni Cristo. Kaya hindi siya kayang pakawalan ni Gatlabayan ay dahil makapal ang Iglesia sa Antipolo at malakinig kawalan ang mga ito sa darating na elections. Pero hindi naman pahuhuli si Panen dahil direkta rin siya kay Bro. Eddie Velarde ng El Shaddai. At si Panen ay bagyo rin kay Rizal Gov. Ito Ynarez. Kaya kapag hindi pa masawata ang away nina Panen at Tabujara, maaaring lumaki pa ito at ang mga padrino nila ay manghimasok na rin sa problema.
Abangan!