Ang piracy at mga Pinoy

KAHIT poor na bansa ang Pinas, maporma ang mga Pinoy. From head to toe, puro "mamahaling" gamit at aksesorya sa katawan ang bumabalot. Oakley ang suot na shades, Rolex ang relo, Gucci ang sinturon at sapatos, Levis ang pantalon, at ang polo ay Christian Dior. Bukod pa riyan ang nangingintab na alahas na mukhang solid gold at brilyante. Salamat sa piracy o pamemeke. Iyan ang kaunting konsuwelo nating mga Pilipino.

Ang lagay ba naman, mahirap na nga tayo mukha pa tayong pobre sa ayos at postura? Kung minsan poverty or richness is a state of mind. If you feel like a millionaire kahit maliit ang income mo, at least you feel good and content. Sa isang banda, nakatutulong iyan para mapawi ang disgusto ng taumbayan sa pamahalaan na maliit ang achievement sa pagpapasigla ng kabuhayan.

Ang problema, galit sa atin ang ibang bansa dahil talamak sa ’tin ang pangungulimbat ng intelectual pro-perties. Sa katatapos na Asia-Pacific Economic Co- operation (APEC) summit sa Busan, South Korea na dinaluhan ng mga leader ng bansa kasama si Presi- dente Arroyo, muling nasita ang Pinas sa problemang ito.

Sabagay, talaga namang parang kinukunsinte ng gobyerno ang paglipana ng mga peke. Sinasabing mahigpit na ang pamahalaan laban sa mga pirated VCDs at CDs pero namumutakti pa rin ang mga ito sa mga malls at sa mga bangketa. Paminsan-minsan, nagreraid kuno pero tila ito’y pakitang tao lang. Kasi naman, tinatangkilik natin ang mga ito, palibhasa mahal ang mga orig. Sa ibang bansa, napaka-estrikto na ng implementasyon sa batas laban sa piracy. Pagpasok mo pa lang sa port of entry, kapag napansin na peke ang bitbit mong bag o suot mong relo, mananagot ka sa batas.

Sa France, may isang Pilipinong kampanteng naglalakad at nakasuot ng "mamahaling" signature shades na peke pala. Alam ba ninyong siya’y sinita ng mga awtoridad at pinagmulta. At ang iminulta ay mahal pa sa halaga ng orihinal na salamin sa mata! The moral of the story, huwag nang dalhin abroad ang mga pirated stuffs.

Ewan ko kung hanggang kailan magiging maluwag ang gobyerno sa paglisaw ng mga pinekeng produkto. In the meantime, let’s enjoy it while it lasts.. he-he-he!

Show comments