Inireport niya ang pangyayari sa Captain, at nangako naman na aayusin ang nangyari sa pagitan nila ng chiefmate.
Gayunpaman, mas naniwala ang captain sa panig ng chiefmate. Inireport ng captain sa kanyang superyor na si Larry ay walang kooperasyon, hindi sumusunod sa mga utos hindi lamang sa kanya pati na rin sa iba pang chief officers. Sa report ay inilakip din ng Captain ang dokumentong pirmado ng ilang crew at ng chiefmate na nagpapatunay na umalis si Larry sa Villanueva , Spain ng gabi ng June 26, 1995 nang walang paalam.
Dahil dito, nagsumbong si Larry sa Embahada ng Pilipinas at nagsumite ng sinumpaang salaysay. Pagkaraan ay bumalik na siya sa Pilipinas noong July 4, 1995.
Sinulatan ni Larry nang dalawang beses ang SMS para bayaran ang suweldo niya mula Abril hanggang Hulyo 1995. Subalit walang aksyong ginawa ang SMS. Kaya, napilitan si Larry na magsampa ng kasong illegal dismissal laban sa SMS. Nagsumite ng position papers ang magkabilang panig na may magkaibang pahayag kung ano talaga ang dahilan ng pag-uwi ni Larry ng Pilipinas. Ayon sa Labor Arbiter, ilegal ngang nadismis si Larry at iginawad dito ang kanyang money claims. Maging sa apela sa NLRC ay pinaboran pa rin si Larry at dinismis ang apela dahil sa kawalan ng merito.
Iginiit ng SMS na ang NLRC ay nagkamali at inabuso nito ang autori-dad nang sumang-ayon ito sa desisyon ng Labor Arbiter. Dapat daw ay ibinalik ng NLRC ang kaso sa Labor Arbiter para sa karagdagang paglilitis ng kaso dahil ang materyal at ang tunay na nangyari sa pagkakatanggal sa trabaho ni Larry ay malulutas lamang sa pamamagitan ng isang pormal na paglilitis. Tama ba ang SMS?
MALI. Ayon sa Sec-tion 4, Rule V of Rules of Procedure of NLRC, ang NLRC ay may malawak na kakayahan na magpasya kung kinakailangan pa ang isang pormal na paglilitis ng isang kaso. Ang anumang dokumento na isinumite ng mga partido ay maaari nang maging batayan ng isang desisyon pati na ang paggamit ng makatwirang pamamaraan nang hindi na isasaalang-alang ang teknisismo.
Ang isang pormal na paglilitis ay hindi kinakailangang gawin sa lahat ng pagkakataon para magarantiya ang due process. Sapat nang mabigyan ng pagkakataong bawat panig na magpaliwanag at maghain ng matibay na ebidensya para maging batayan ng isang patas na desisyon. Ang pag-ayon ng NLRC sa na-ging desisyon ng Labor Arbiter ay walang pang-aabuso ng kakayahan at autoridad nito (Seastar etc. vs. Bul-an, Jr. G.R. 142609, November 25, 2004)