Ayon kay Dr. Go para maiwasan ang tinatawag na swimmers ear dapat na matapos lumangoy ay alugin o igalaw-galaw ang ulo para matanggal ang tubig na nakapasok sa taynga. Marahang patuyuin ang external ear ng malinis na tela o tuwalya at huwag saksakan ng cotton buds o anumang bagay para patuyuin ang bukana at lagusan ng taynga dahil maaaring itoy makasugat at matanggal ang tinatawag na protective earwax at ito ang pagsisimulan ng infection.
Ipinapayo ni Dr. Go na kapag hindi matanggal ang bumabarang tubig makabubuting komunsulta na sa doktor.