Sobrang pag-inom ng alak nakapupurol ng utak
November 13, 2005 | 12:00am
ISANG sulat ang aking natanggap at nagtatanong kung nakapagpapahina o nakapagpapapurol ng utak ang sobrang pag-inom ng alak.
Yes. Kapag sobra-sobra at naging palagian ang pag-inom ng alak, apektado ang kanilang utak. Nababawasan ng sobrang pag-inom ang sensitivity ng utak at nagiging mapurol. Kapag dumami ang nainom, ganoon din karami ang ibinibigay na epekto sa utak. Ang pagkasugapa sa alak, batay sa mga pag-aaral ay namamana. Batay din sa pag-aaral, lima sa bawat 100 heavy drinkers ang nauuwi sa pagiging alcoholics. Bagamat ang ibang heavy drinkers ay nakokontrol ang kanilang intake, ang alcoholics ay wala nang pagpipigil. Iinom siya nang iinom ng alak.
Ganoon pa man, kahit na magkaiba ang heavy drinkers at ang alcoholics, magkapareho lamang ang dadanasin nilang epekto sa katawan dahil sa sobrang nainom.
Ang sobrang pag-inom ng alak ay nakasisira sa personalidad. Makikita sa kaanyuan ng isang tao kung siya ay manginginom. Marami sa mga manginginom o alcoholics, ang kulang sa nutrition. Karamihan sa kanila ay malnourished.
Dahil din sa labis na pag-inom kaya nagkukulang sa thiamine ang katawan at ang resulta ay ang disorientation at ang mahinang memorya.
Ang sobrang pag-inom ang dahilan para lumaki ang atay at magkaroon ng cirrhosis. Ang cirrhosis ang nagi-ging cancer sa atay. Nade-develop ang cirrhosis sapagkat ang diet ng drinkers ay mababa sa protein, fatty acids, vitamins A, C and E, thiamine at zinc.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am