^

PSN Opinyon

San Martin ng Tours

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
SA liturhiya ngayon, ipinagdiriwang ang kapistahan ni San Martin ng Tours. Siya ay ipinanganak noong taong 316. Mga pagano ang kanyang mga magulang. Naging sundalo siya ngunit nang sumunod siya kay Jesus at nagpabinyag, iniwan niya ang kanyang pagkasundalo. Siya’y naging pari. Pagkatapos, nagtatag siya ng isang monasteryo sa Liguge, France at namuhay bilang monghe sa pagsubaybay ni Santo Hilario.

Napili siyang maging Obispo ng Tours, France. Itinalaga niya ang kanyang sarili sa pagtatag ng mga monasteryo, paghuhubog ng mga pari at pagpapalaganap ng Mabuting Balita sa mga mahihirap.

Alam ni Martin na nalalapit na ang kanyang kamatayan kaya sinabi niya iyon sa kanyang mga kasamahan. Sa kabila niyon, pinagsumikapan pa rin niyang magbiyahe patungo sa parokya ng Candes upang dalawin ang mga pari roon na nagkakaaway-away. Nais niyang magpatawaran sila sa isa’t isa at papanumbalikin ang kapayapaan doon.

Nagkaroon nga ng kapayapaan sa Candes. At nang siya’y pabalik na ng kanyang monasteryo, bigla siyang nanghina. Ipinatawag niya ang kanyang mga kasamahan at sinabi sa kanila na siya’y mamamatay na. Nagdalamhati ang kanyang mga kasamahan at nagsumamo, "Father, bakit mo kami iiwan? Sino pa ang mangangalaga sa amin kung wala ka na? Aatakihin ng mga mababangis na lobo ang iyong kawan, at sino ang maliligtas sa kanila sa kanilang mga kagat kung wala na ang pastol? Alam namin na nais mong makasama si Jesus, subalit ang iyong gantimpala ay natitiyak na at hindi mababawasan kung maantala man ang iyong paglisan. Mainam na kahabagan mo kami sa halip na pabayaan."

Ang naging tugon niya: "Panginoon, kung kailangan pa ako ng iyong bayan, nahahanda ako sa gawain. matupad nawa ang iyong kalooban."

Si Martin ay hindi natakot mamatay; ni hindi rin umiwas na mabuhay. Hindi siya napatalo kay Kamatayan ni umiwas sa maaaring maging gawain pa niya. Subalit nang dumating na ang kanyang oras, malugod niyang inihandog at itinagubilin ang kanyang espiritu sa Panginoon.

Sinasabing nang mamatay si Martin, siya ay sinalubong ni Abraham. At iniwan niya ang isang buhay na mahirap upang pumasok sa langit na mayaman sa pagpapala ng Diyos. Si Martin ay itinuturing na isa sa mga santo na nag-alay-dangal at tagapagtaguyod ng kapayapaan.

ALAM

KANYANG

MABUTING BALITA

NIYA

PANGINOON

SAN MARTIN

SANTO HILARIO

SI MARTIN

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with