^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Mataas na presyo ng LPG

-
KAPAG hindi napigilan ang pagtaas ng liquified petroleum gas (LPG), talagang mayayaman na lamang ang makabibili nito at ang mahihirap na sumusuweldo ng minimum ay magtitiis na lamang magluto sa kahoy o uling. O pipilitin pa rin nilang gumamit ng LPG sa pagluluto pero sagad-sagarang pagtitipid na ang kanilang gagawin. Hihigpitan pa ang sinturon sa pagtitipid. Sino pa namang minimum wage earners ang maka-aaford bumili ng LPG sa halagang P540 isang tangke (11 kilograms)? Ang minimum na suweldo ngayon sa Metro Manila ay P288 hanggang P325. Kung bibili ng LPG ang mga manggagawang sumusuweldo ng P288, wala nang matitira sa kanila. Makabibili sila ng LPG pero ang iluluto ay hindi. Lubha nang kawawa ang buhay.

Hindi kasama sa mga ni-rollback na petroleum products ang LPG. At labis itong nakapagtataka sapagkat dalawang beses nang nagrollback ng kanilang produkto ang mga malalaking kompanya ng langis. Nag-rollback ng 50 hanggang 75 sentimos ang apat na malalaking oil companies. Bumaba raw ang presyo ng langis sa world market at nakatulong naman nang malaki ang magandang kalagayan ng peso laban sa US dollar. Sabi ng gobyerno, ang pagkakaimplement ng expanded value added tax (EVAT) noong November 1 ang dahilan sa magandang performance ng peso.

Maraming Pinoy ang gumagamit ng sasakyan kaya naman nakadepende ang bansa sa supply ng langis mula sa ibang bansa. Kapag nagtaas ng presyo ang mga oil producing countries, walang magawa ang mga bansang nakadepende kundi ang sumunod. At kung marami ang gumagamit ng sasakyan mas marami rin naman gumagamit ng LPG. Halos bawat tahanan particular sa Metro Manila ang nagluluto sa LPG. At lubhang nakapagtataka kung bakit hindi nirollback ang presyo nito. Sa halip na i-rollback tumaas pa ang presyo. Nadagdagan ng P1 ang bawat kilo ng LPG.

Nararapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang mataas na presyo ng LPG na halos lahat ng Pinoy ay gumagamit. Apektado nang masyado ang mga maliliit ang kita. Alisin ang 10 percent EVAT na nakapataw sa LPG para naman hindi mahirapan ang mamamayan. Sa ganitong paraan, maaalis ang bigat sa kanilang balikat na matagal nang nagsusugat. Laging sinasabi ni President Arroyo na ang kapakanan ng mahihihirap o maliliit ang kanyang prayoridad. Ipakita ito ngayon sa nangyayaring walang patlang na pagtataas ng presyo ng LPG.

ALISIN

APEKTADO

BUMABA

HIHIGPITAN

IPAKITA

KAPAG

LPG

MARAMING PINOY

METRO MANILA

PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with