Dahil nabisto na ang fertilizer scam na inilusot ng tropa ni Mrs. Arroyo noong nakaraang eleksyon, nalaman na natin na mayroon talagang grand conspiracy ang kanyang tropa na manatili sa puwesto by hook or by crook, kahit sa anumang paraan, kahit magnakaw, mandaya or mag-sinungaling pa sila.
Kung may gusot ay may lusot, at yan yata ang nasa isip ng mga nag-operate ng fertilizer scam, nang naisip nilang gawing palusot ang agriculture projects kuno upang mabigyan ng pera ang mga kakampi nilang pulitiko. Lusot na nga sana sila, ngunit nagkataon namang sumama sa "Hyatt 10" si former DBM Secretary Emilia Boncodin, kaya ayan nabuking na sila.
Sa usapang pilosopo, madaling ilusot ang binigay na dahilan ng mga fertilizer scammers na hindi naman daw political ang dahilan kung bakit namigay ng pera, at nag-kataon lang daw na halos magkasabay ito sa eleksyon. Maniniwala ba kayo diyan? Tell that to the marines, yan ang sagot ko dyan.
Bakit ko naman sinabing may grand conspiracy? Simple lang ang sagot ko diyan, dahil hindi naman maaaring ilabas ang ganoon kalaking pera kung hindi alam ni Mrs. Arroyo, at kung walang ibang sumama or tumulong sa ganoon kalaking plano. At hindi ba maaring sabihin na ang mga kongresistang tumanggap ng pera na wala namang agriculture projects ay kasama sa grand conspiracy? Talaga naman, nandaya na sila, nag-sinungaling pa dahil sa pagtatakip!