^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Mga walang kaluluwa!

-
WALANG puwang sa mundong ito ang mga terorista sapagkat wala silang kaluluwa! Hindi sila dapat mabuhay kaya nararapat lamang na kapag nahuli at napatunayang nagkasala, buhay din nila ang nararapat na kapalit. Ang ginawang hatol na kamatayan ni Judge Marissa Macaraeg Guillen ng Branch 60, Makati City RTC sa tatlong terorista noong Biyernes ay katanggap-tanggap. Iyan lamang ang nararapat sa kanila. Kung tutuusin, mabagal pa ang pagkakadesisyon sa kanilang kaso at kulang pa ang parusang iginawad sa kanila sa laki ng kasalanan nila sa taumbayan. Kung mayroon mang dapat asikasuhin ang pasaway na mambabatas, iyan ay ang pag-apura sa anti-terrorism law at nang magkaroon ng proteksiyon ang mamamayan sa mga walang kaluluwa.

Ang tatlong nahatulan ng bitay ay kinabibilangan nina Rohman Abdurohim, isang Indonesian; Gamal Baharan at Angelo Trinidad. Si Abdurohim ay miyembro ng Jemaah Islamiyah samantalang sina Baharan at Trinidad ay mga miyembro ng Abu Sayyaf. Tatlo pang kasamahan nila ang nakalalaya at hinahanap pa ng mga awtoridad.

Naganap ang malagim na pambobomba ng mga terorista noong February 14, 2005. Tinaniman nila ng bomba ang RRCG bus habang bumabagtas sa EDSA. Umano’y sumakay sa Crossing ang tatlo at pagdating sa Ayala Avenue ay bumaba. Makalipas ang ilang minuto ay sumabog na ang bus. Sa lakas ng pagsabog, dalawang katabing bus ang nawasak. Nang mahawi ang usok, natambad ang mga sugatan. Apat ang namatay at mahigit 100 ang malubhang nasugatan. Kaawa-awa ang itsura ng mga walang malay na pasahero ng bus na nadamay sa ginawa ng tatlong terorista.

"Patayin ang mga terorista!"Iyan ang humigit-kumulang na gustong isigaw ng mga kaanak ng biktima. Bukod sa Valentines Day bombing, marami pang pambobombang ginawa ang mga terorista na hangang ngayon ay hindi pa nakakatikim ng hustisya. Malagim ang pambobomba noong Dec. 30, 2000 kung saan limang sunud-sunod na pambobomba ang naganap at maraming namatay, partikular sa LRT-Blumentritt Station. Binomba ang Super Ferry 14 noong nakaraang taon, ang Davao International Airport at isang seaport doon at ang kamakailan lamang na pambobomba sa ferry na Doña Ramona.

Kung ano ang inutang ay iyon din ang dapat na kabayaran. Buhay ng mga terorista ang nararapat ipalit sa inutang nilang buhay. Hindi sila nararapat sa mundong ito na ang mga tao’y naghahangad ng kapanatagan.

ABU SAYYAF

ANGELO TRINIDAD

AYALA AVENUE

BLUMENTRITT STATION

DAVAO INTERNATIONAL AIRPORT

GAMAL BAHARAN

IYAN

JEMAAH ISLAMIYAH

JUDGE MARISSA MACARAEG GUILLEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with