Peoples court? Ewan!
October 29, 2005 | 12:00am
IPINAKITA ng mga kalaban ni President Gloria Macapagal-Arroyo na sila ay nagkakaisa para mapatalsik ito sa puwesto. Sa katunayan, buong tapang nilang ipinamalas may dalawang linggo na ang nakararaan na hindi sila kakalas sa pagkakapit- bisig kahit bombahin ng tubig.
Walang makakapigil sa mga anti-Gloria na pag-ibayuhin ang kanilang pagpoprotesta hanggang mapalayas ang presidente. Maraming plano na ang naisagawa nila upang matanggal si Gloria. Isinangkot sa jueteng, Garci tapes at impeachment. Subalit, matibay pa rin ang pagkakaupo ng Presidente.
Ngayon ay may bagong taktika ang oposisyon. Nagtayo sila ng Peoples Court na diumano ay uusig sa mga kasalanan sa bayan ni Gloria. Noong Miyerkules, naging laman ng mga balita ang pagbibigay ng subpoena ni Atty. Romeo Capulong kay GMA. Ito ay notice of proceeding ng unang hearing ng peoples court. Matapos tanggapin ng isang opisyal ng Palasyo ang subpoena, pinunit niya ito sapagkat aniya ay walang legal na basehan. Ang peoples court ay tinatag ni dating VP Teofisto Guingona.
Hindi ko masisisi ang Malacañang official sa pagpunit niya sa sobpoena. Maski ako hindi ko alam kung sino ang nagtatag ng tinatawag nilang peoples court at hindi ko rin alam kung naaayon sa batas.
Hindi ko rin alam kung maayos itong naipaliwanag sa taumbayan at kung sino ang nagbigay ng karapatan kina Guingona para magtatag ng peoples court. Hindi ako sang-ayon sa hakbang na ito ng mga anti-Gloria.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended