^

PSN Opinyon

Sina Simon at Judas

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
NGAYON ay ginugunita ang kapistahan nina Simon at Judas, dalawang apostoles na bahagi sa Labindalawang pinili mismo ni Jesus.

Ang Ebanghelyo sa araw na ito ay tungkol sa pagpili ni Jesus sa Labindalawang apostoles niya (Lc. 6:12-15).

Nang panahong iyon, umahon si Jesus sa isang burol at magdamag doong nanalangin. Kinaumagahan, tinawag niya ang kanyang mga alagad, at pumili siya ng Labindalawa sa kanila, na tinawag niyang mga apostol: Si Simon na pinangalanan ni-yang Pedro, at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago, Juan, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, at Santiago na anak ni Alfeo, si Simon, ang Makabayan; si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote na naging taksil."


Ang may kapistahan sa araw na ito ay sina Simon na Makabayan – isang taong maalab ang pagnanais na dumating na sa mundo ang mesias at paghahari ng Diyos upang mabigyan ng katarungan ang mga tao — at si Judas, na anak ni Santiago at kapangalan ni Judas Iscariote na nagtaksil kay Jesus.

Sina Simon na Makabayan at Judas, na anak ni Santiago, ay kapwa namatay na mga martir pagkatapos silang mabigyan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo na kilanlin ang katapangan ng krus at katapatan kay Jesus. Maliban doon ay wala nang masyadong nababatid tungkol sa kanila, maliban lamang sa punto na mula pa sa umpisa, sila’y mga apostol na nagdala ng mabuting balita sa mga mahihirap.

Tayo rin, bilang mga binyagan, ay tinawag upang sumunod kay Jesus, ipalaganap ang mabuting balita sa mga maralita, at inaasahang maging matapat at masunurin sa kalooban ng Ama.

vuukle comment

ALFEO

ANDRES

ANG EBANGHELYO

ESPIRITU SANTO

JUDAS ISCARIOTE

LABINDALAWANG

MAKABAYAN

SI SIMON

SINA SIMON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with