^

PSN Opinyon

Hindi kami tumitigil! (OILINK update)

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
BUMISITA ang team ng BITAG sa tanggapan ni Department of Finance Secretary Gary Teves nu’ng nakaraang Biyernes. Hinggil ito sa kasong SMUGGLING na isinampa ng Bureau of Customs laban sa OILINK International Corporation.

Matatandaang ilang serye naming inilabas sa kolum na ito ang kaso ng nasabing kumpanya kaugnay sa pamemeke ng dokumento ng kanilang ‘‘bogus’’ na trading firm, ang Suns Trading.

Pinaghandaan ni Teves ang pagbisita ng BITAG kaya’t pagdating namin nakalatag na sa kanyang mesa ang mga dokumentong may kaugnayan sa kasong ito.

Hindi masisisi si Teves dahil hindi pa naman siya ang nakaupo noon bilang kalihim. Hindi rin gaanong malinaw kay Teves ang puno’t dulo ng kasong ito.

Naganap ang smuggling sa loob ng bakuran mismo ng OILINK International Corporation nu’ng panahon ng ‘‘impeachment’’ laban kay dating pangulong Joseph ‘‘Erap’’ Estrada, nu’ng Disyembre 1, 2001.

Kumbaga, magulo ang sitwasyon ng pulitika noon, walang puknat ang ‘‘rally’’ ng mga oposisyon, kaya’t abalang-abala naman ang mga hinayupak na kawatan sa kanilang mga illegal na aktibidad tulad ng smuggling.

Ayon kay Teves, ‘‘Ben and Erwin, we’re interested as far as the immediate collection of P210,635,000 representing the penalty and fines imposable under 3611 on the Tariff Code as amended R.A. 9135.’’

Segurista ang BITAG kaya’t ang hirit ko kay Secre-tary Teves ay ganito, ‘‘Secretary, I hope that your inte-rest becomes a commitment in pursuing the collection for the government."

Patuloy ang aming ‘‘case build-up’’ at hindi namin ide-detalye ang mga hakbang ng BITAG sa pakikipagtulungan ng grupo ng ‘‘MISSON X’’ ng kapatid kong si Erwin na sabay naming tinatrabaho.

Tungkulin ng kolum na ito ang magbigay ng mga ‘‘update’’ sa kasong ito. Napapanood at napapakinggan sabay ang aming paglalantad sa progra-mang ‘‘BAHALA sina BEN at ERWIN (The TULFO BROTHERS) sa UNTV (Worldwide) channel 37, Sky at Home Cable Channel 21; Destiny Cable channel 51 tuwing alas-9 hanggang alas-10 ng umaga at sabay itong napapakinggan sa DZME 1530 kHZ, Ang Radyo Uno.

Ayaw naming mangapa sa dilim ang mga sumusubaybay ng mga gawain naming partikular sa aming paglalantad ang mga ilegal na gawain. Hindi kami namimili at wala kaming pinipili!

ANG RADYO UNO

BEN AND ERWIN

BUREAU OF CUSTOMS

DEPARTMENT OF FINANCE SECRETARY GARY TEVES

DESTINY CABLE

HOME CABLE CHANNEL

INTERNATIONAL CORPORATION

SUNS TRADING

TEVES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with