^

PSN Opinyon

P3-B ang pondo ng Senado pero 5 batas pa lang ang naipapasa

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
Habang abala ang mga Senador kung paano mapahupa ang galit ng sambayanan sa pakikipagbangayan nila sa Palasyo, aba nagsulputan naman ang mga pasugalan sa Metro Manila dahil sa nalalapit na Pasko. Hindi pa nga nakapag-desisyon ang mga senador kung anong paraan ang gagawin nila dahil sa kakulangan ng ipinasa nilang batas para maihango ang kabuhayan ng mga mahihirap, eh umusbong ang mga pasugalan tulad ng peryahan, EZ2, bookies ng karera, video karera, lotteng at PBA ending saang sulok man ng Metro Manila.

Sa Barangay Malinao sa Pasig, ipinasara ng chairman doon ang peryahan sa lugar niya sa ‘‘lingguhang’’ dahilan. Ito namang si Romy Caloocan ay napipinto na ring magbubukas ng peryahan sa isang jeepney terminal sa Barangay Rosario sa Pasig City din. Ayon sa mga suki ko, kasalukuyang binabakuran ni Romy Caloocan ang puwesto sa Rosario para hindi nito maeskandalo ang nasasakupan niya. At tiyak, nakatimbre na si Romy Caloocan at wala nang sagabal sa pagbubukas niya bago mag-All Saints Day, anang kausap ko. Papayagan kaya ni Mayor Enteng Eusebio na dudungisan ni Romy Caloocan ang lugar niya? He-he-he! Maaaring si Mayor Eusebio ay aayaw sa kinang ng lingguhang intelihensiya ni Romy Caloocan pero ewan ko lang dito sa kapulisan niya sa pamumuno ni Sr. Supt. Raul Medina?

Sa mahigit palang P3 billion na pondo ng Senado, eh limang batas pa lang ang naipasa nila, ani Press Sec. Toting Bunye. Ang ibig sabihin niya, gumastos ang Senado natin ng halos P275 million kada-batas na naipasa nila. Pero ano naman ang puwedeng ipagmalaki ng Senado? Ang dami kasing investigation in aid to legislation na isinulong ang Senado subalit wala namang nangyari. Sa totoo lang, ang lahat ng imbestigasyon nila ay para lang masipa si GMA sa puwesto suba-lit hindi naman sila nagtagumpay. Halos 10 buwan ding nagtatalak ang mga Senador sa wala.

Kung tumahimik lang itong mga Senador natin at ang pondo nilang nilustay sa mga imbestigasyon nila ay ginamit para sa gamit sa eskuwela, pabahay at iba pang pangangailangan ng mga mahihirap, aba tiyak marami ang matutuwa. Kaya ayaw na silang samahan ng mga mahihirap sa rally nila dahil hindi naman ang kapakanan nila ang nasa isipan nitong mga pulitiko natin kundi ang sarili nila pati na ang interes ng kani-kanilang pamilya na may balak ring papasok sa pulitika. He-he-he! Panay kasi naglalaway sa kapangyarihan ang mga pulitiko, di ba mga suki?

Dahil alam nilang nagtatampo na ang samba-yanan sa kapabayaan nila sa takbo ng ekonomiya natin, nag-uunahan naman ang mga Senador sa pagpapogi para makabawi sa mata ng publiko. Tulad na lang ni Sen. Nene Pimentel maaga siyang nagtawag ng pagtatapos ng imbestigasyon ng jueteng, ‘‘Hello Garcia’’ tape at iba pa para sa kinalaunan hindi siya madamay sa ngitngit ng mahihirap na Pinoy.

Ayon pa kay Pimentel, dapat magkaroon ng conclusion ang imbestigasyon at may mga recommendation ang Senado para patunayan sa publiko na may kahinatnan ang mga ginawa nila at hindi ito pambubuska lang kay GMA nga. Kahit ano pang palabok ang gagawin ng mga Senador natin sa susunod ngang mga araw, maliwanag na sa sambayanan ang mga tunay na kulay nila. Abangan!

ALL SAINTS DAY

AYON

BARANGAY ROSARIO

HELLO GARCIA

METRO MANILA

NILA

ROMY CALOOCAN

SENADO

SENADOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with