Prayer rally daw iyon ayon sa mga protesters. Inaangalan nila ang pagpapatupad ng calibra-ted preemptive response (CPR). Maganda sana ang hangarin ng grupo lalo nat sa simbahan sana hahantong ang martsa para doon gana-pin ang programa. Subalit hindi natuloy ang plano. Sa halip, nagpilit ang mga protesters na pumunta sa Mendiola na ipinagbabawal pagdausan ng mga protesta. Dito na nagkainitan. Ayaw pumayag ng pulisya na magtungo sa Mendiola ang grupo sapagkat malapit sa Palasyo at wala ring maipakitang permit upang mag-rally ang grupo.
Dahil sa nagpipilit ang mga protesters na ipagpatuloy ang kanilang pagmamartsa, pumorma na ang mga pulis. Dito na binomba ng tubig ng mga pulis ang mga protesters. Sa pakaka-gulo, marami rin ang mga nasaktan.
Sa tingin ko, hindi masisisi ang pulisya na bombahin ng tubig ang mga nagpoprotesta.
Maraming lugar na dapat pagdausan ng protesta ay kung bakit sa malapit pa sa Palasyo nila gusto. Prayer rally daw, pero may mga placards sila na palaban ang dating. Dapat daanin sa matahimik na pamamaraan kung may pro-testa man para maiwasan ang karahasan.