Lansagin na ang Napocor mafia
October 20, 2005 | 12:00am
GRABE na ang situwasyon sa enerhiya. Walang malinaw na policy ang gobyerno kaya ang mga lokal at dayuhang investors ay takot mag-invest sa power industry. Ang Mindanao at Visayas ay dumaranas ng kakulangan sa elektrisidad, Malulutas sana ito ng pagtatayo ng karagdagang power plants. Takot ang mga negosyante na mag-invest. Palibhasa, pabagu-bago ang bidding policy ng pamahalaan. Urong-sulong policy ang umiiral.
Nababanas ang mga investors sa usad-pagong na pagsasapribado ng Napocor. Palibhasa, ang mga patakaran sa bidding ngayon ay puwedeng mabago ng biglaan. Naaasar ang mga bidders dahil kung kailan nasa kalagitnaan ng bidding ay saka magbabago ng policy. Binabago ang mga patakaran, depende kung kanino interes ang nakataya. Dahil diyan, nagdududa ang mga mamumuhunan sa katatagan ng pagnenegosyo. Wala sa katinuan ang utak ng isang negosyante na papasok sa negosyong hindi niya tiyak kung ano ang kahihinatnan ng kanyang puhunan. Ang privatization ng Napocor ay nakapaloob sa Epira Law na binalangkas ilang taon na ang nakalilipas para matugunan ang krisis sa enerhiya. Magandang konsepto dahil mapapababa nito ang halaga ng kuryente kung maipatutupad nang maayos, pero hindi.
Imbes na ipatupad ang batas, umutang pa ang mga tinamaan ng kulog na Napocor officials ng $400 milyon at dagdag na $150 milyon para sa papaluging Napocor kaya lalu tayong nagkakandabaon sa utang. Iyan ay bukod pa sa P348.67 bilyong utang ng bansa sa taong ito. Mahalagang maisapribado ang Napocor porke liliit ang utang nito pati na ang lumolobong deficit. Pero talagang makupad dahil pinakukupad ang takbo ng privatization. Kasi kapag pribado na ang Napocor, tapos na ang maliligayang araw ng sindikato o mafia sa korporasyong ito. Wala nang komisyon sa mga pinaborang suppliers sa bidding. Hindi katakataka na mata-pos ang tatlong taong naisabatas ang Epira Law ay 11 porsyento pa lang ng Napocor ang privatized.
Dapat bulukin sa kulungan o bitayin ang mga tiwaling opisyal na ito. Dahil sa kanilang kadayukdukan ay taumba-yan ang pinarurusahan. Dapat sampahan ng plunder ang mga opisyal na ito, isang kasong kriminal na may pataw na parusang bitay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended