Mabisang therapy sa mga nagkakaedad

NAKAKATABA ng puso kapag tumatanggap ng pasasalamat mula sa mga tagasubaybay ng BANTAY KAPWA. Ilang liham ng pasasalamat ang natanggap ko kaugnay sa mga nalathalang testimony o tungkol sa bio-energetic modulation therapy nina Dr. Romy Orteza at Dr. Rey Ramirez ng Santa Teresita General Hospital sa Quezon City.

Si Thelma Almirante ng Nueva Ecija ay madalas na tuksuhin na pinakyaw na niya ang lahat ng mga sakit. Ang 68 taong gulang na si Thelma ay may diabetes, weak lungs, heart, enlargement, neuropathy, retinopathy, osteoarthristis, migraine at hypertension. Lumuwas siya sa Maynila, nag-rent ng apartment habang nagpapa-therapy at inamin niya na matapos siyang mahiga sa tinaguriang ‘‘miracle mat’’ ay bumuti na ang pakiramdam niya. Luminaw ang paningin, nawala ang pamumulikat at hindi na nagsisikip ang kanyang dibdib.

Si Arnulfo Abesamis ng Quezon City ay madaling mapagod. Konting lakad lang ay humihingal siya. Nagpatingin siya kina Dr. Orteza at nalaman na mahina ang blood circulation niya dahil sa mga fatty deposits kaya kumipot at tumigas ang kanyang mga ugat. Ayon kay Dr. Orteza ang 77-years old na si Mr. Abesamis ay may arterior clerosis kaya nagpa-therapy siya gamit ang bio-energetic modulation mattress at ngayon ay on the road to recovery na sya.

Humina ang immune system ni Felicidad Uy ng Sucat, Parañaque City kay dinapuan siya ng maraming sakit. Mahilig siyang mag-antibiotic maski sipon lang. Nag-steroids siya para mawala ang dermatitis at nag-injectible steroid para sa kanyang osteoarthritis. Tinetherapy siya nina Dr. Orteza at Dr. Ramirez at bumubuti na ang kalagayan niya.

Sa mga karagdagang kaalaman tumawag sa 7438767 at 0917-9191660.

Show comments