Ayon kay Dr. Eva Obarzanek, nutritionist sa National Heart, Lung and Blood Institute sa America, kapag binawasan ang salt intake malaking puntos para makaiwas sa maraming sakit. Isang pag-aaral ang isinagawa kung saan 412 katao ay pinaghiwalay sa dalawang grupo na sumailalim sa low-salt diet sa loob ng 14 linggo. Ang unang grupo ay binigyan ng tinatawag na average American diet na binubuo ng roast beef, ham and turkey, mga sweets at sariwang prutas. Ang pangalawang grupo naman ay ang diet ay mayaman sa gulay at prutas.
Ang bawat diet ay may parehong amount of salt at napatunayan na dahil sa kaunting bahagi ng asin sa pagkain ay natala ang pagbaba ng percentage ng systolic at diastolic pressures.
Sa mga sumali sa dalawang grupo karamihan sa kanila ay may high blood pressure. Ayon kay Dr. Eva Obarzanek dapat na ugaliing maging moderate lang ang salt intake at huwag na huwag maglagay sa mesa ng anumang salt shaker.