^

PSN Opinyon

Calibrated pre-emptive response

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
USAP-USAPAN ngayon ang ginagawang violent dispersal ng mga rakpa sa mga rallyist. Wala na ang sinasabing maximum tolerance. Kaya naman kapag napikon ang rakpa tiyak umaatikabong hampasan dito hampasan doon ang mangyayari.

Walang sinasanto ang mga rakpa mapa-matanda o bata, may baktol o wala, pangit o guwapo, seksi o mataba basta kasama ka sa rally tiyak may tama ka. Parang martial law ang dating ng Pinas ngayon sabi ng mga naospital na nahambalos sa mga kuwago ng ORA MISMO. Masahol pa sa Hudyo kung paluin ng mga rakpa ang mga rallyists.

Katwiran ng mga rakpa, alaws kasi silang permit kaya ’di puwedeng mag-rally. Ika nga No Permit, No Rally, parang No Plate, No Travel. Ang sumaway sa utos tiyak bukol!

Eh, sino naman bright ang magbibigay ng permit sa mga rallyist lalo’t anti-government ang babanat? Siyempre wala!

Kaya naman inaangal ng madlang people at iba ring mambabatas na anti-gov’t ang Calibrated Pre-emptive Response. Masakit ito sa mga rallyist dahil paglabag ito sa karapatan pantao. Pero alaws naman magawa ang Commission on Human Rights kundi ang dumakdak lang.

Maraming paglabag kung ang CHR ang magsasalita pero alaws silang aksyon. Kaya lugi talaga sa laban ang opposition ngayon versus administration. Sabi nga, lutong makaw!

‘‘Bakit, ayaw nang payagan ang madlang people na magpahayag ng kanilang discontentment sa Philippine government?’’ tanong ng kuwagong nabukulan ng yantok sa ulo.

‘‘Parang Red China ang dating ng gobyerno sa tao?’’ sabi ng kuwagong apo ni Mao Tse Tung.

‘‘Komunista na ba ang ‘Pinas?’’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Bakit hindi mo pa ba feel ang dating kamote.’’

BAKIT

CALIBRATED PRE

HUMAN RIGHTS

KAYA

MAO TSE TUNG

NO PERMIT

NO PLATE

NO RALLY

NO TRAVEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with