EDITORYAL Hindi Big Brother
October 7, 2005 | 12:00am
MASYADO nang nagiging kontrobersiya ang kaso ni Bro. Eddie Villanueva ng Jesus Is Lord Movement. Ginagawang malaking isyu para pag-usapan. Hindi magandang tingnan para sa isang tulad niyang nangangaral ng turo ng Diyos at lider ng isang religious movement ang magsalita nang magsalita na wala namang magandang kinatutunguhan kundi ang pagkakawatak-watak. Nakadaragdag sa mga problemang dinaranas ng bansa na walang ibang apektado kundi ang mahihirap na Pinoy.
Nagpalabas ng arrest warrant ang Mandaluyong Regional Trial Court kay Brother Eddie dahil sa kasong isinampa ni Benito Araneta. Inakusahan ni Araneta si Brother Eddie nang pagtangay sa P15 milyon na ibinayad niya noong 2001 para sa transfer ng Zoe Broadcasting Network sa kanyang kompanyang Enter-Net. Pero ang sabi naman ni Brother Eddie, si Araneta ang nagkasala ng estafa sapagkat may utang umano ito sa kanya ng P200 million dahil sa paggamit ng Channel 11 na pag-aari ng Zoe.
Hinamon ni Brother Eddie ang pulisya na arestuhin siya. Hindi rin umano siya magpipiyansa. Political harassment umano ang nangyayari sapagkat maraming beses niyang tinanggihan ang alok na suportahan ang gobyerno ni President Arroyo. Ang matindi ay nang sabihin ni Brother Eddie sa press conference noong Miyerkules na balak siyang ipapatay. Unang senaryo ay papatayin daw siya at saka ibibintang sa komunista. Ikalawang senaryo ay papatayin siya sa pamamagitan ng intentional accident at ikatlo ay aarestuhin siya sa kasong rebelyon. Tataniman siya ng mga subersibong dokumento.
Walang pulis na umaresto kay Brother Eddie sapagkat humingi ng extention ang kanyang abogadong si Lorna Kapunan. Rerebyuhin umano ni Kapunan ang inisyung warrant of arrest ng Mandaluyong RTC. Binigyan ng palugit na hanggang October 12 si Brother Eddie.
Usapin sa pera ang dahilan ng kaguluhang ito. Pero ang nakapagtatakay nahahaluan ng pulitika. Dalawang tao ang naglalaban pero marami ang sinasangkot at ginagawang malaking isyu. Pambuong bansa na. Hindi tama ito. Bakit hindi sa Korte ipagtanggol ni Brother Eddie ang sarili? Linisin niya roon ang pangalan. Ang Korte ang tamang lugar para maging maliwanag ang lahat at nang makita ang katotohanan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended