Ang ketong ay nakakahawa sa pamamagitan ng hangin paglanghap ng tinatawag na droplet na mula sa pagbahing at pag-ubo ng may ketong.
Dapat magpa-check-up at sumailalim sa multi-drug therapy ang mga may sintomas ng ketong.
Narito ang mga dapat gawin para makontrol ang paglaganap ng ketong: Kailangang gamutin agad para maiwasan ang pagkalat ng impeksyon; Hindi dapat lumapit ang mga bata sa may ketong; dapat na magkaroon ng personal hygiene; panatilihin ang body resistance sa pamamagitan ng healthful living na kinabibilangan ng tamang nutrisyon, sapat na pamamahinga, regular exercise at malinis na kapaligiran.