Ang mga kababayan nating OFWs ang dahilan kung bakit ang Pilipino Star NGAYON ang number one newspaper sa Hong Kong.
Ang isyu, asar na asar ang mga kuwago ng ORA MISMO, nang mabasa nila ang isinulat ni Edwin Balasa, ang ating beat reporter sa Eastern side ng Metro Manila regarding isang nanay binurdahan ng saksak ng kanyang sariling anak dahil lang sa dehins pagbibigay ng P5.00 nito.
Gusto kasing humithit ng yosi kadiri si Alexander Parra, 47, ng Marikina City pero dehins siya ginaybihan ng pitsa ng kanyang ermat. Nagdilim ang isip ni Alex kaya kumuha ng kutsilyo at inundayan ng saksak si Guadalupe Parra, 68.
Hindi lang si Guadalupe ang binanatan ni Alexander kundi pati utol nitong si Tiburcio, 44, ay sinaksak din.
Umawat kasi si Tiburcio matapos niyang makitang sinasaksak ng kanyang utol ang kanilang ermat kaya pati siya ay nadamay. Mental patient pala si Alex kaya walang sinasanto!
Ganito ang tripping ng mga sira ulo kapag dehins napagbigyan ang kanilang tripping. Mapa-bata o matanda, erpat, ermat, lolo, lola, tito, tita, ate, kuya, tomboy o bakla, pogi o swangit, may baktol o wala, basta sinumpong ang mga flip siguradong may paglalagyan ang napagtripan. Tamo si Guadalupe, dedbol! Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa. Amen!
"Matindi palang magalit si Alex," anang kuwagong jailguard.
"Iba siya," sagot ng kuwagong torpeng kulang sa buwan.
"Ano ang dapat gawin sa ganitong klaseng tao?" tanong ng kuwagong Kotong cop.
"Ibalik sa mental," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Bumalik kaya siya sa normal?"
"Iyan ang dehins natin masasagot, tekamots!"