"Daga na palipat-lipat ng lungga..."
September 12, 2005 | 12:00am
Dumarami na ang nagpupunta sa aming tanggapan "hustisya para sa lahat" at "calvento files," nagpapasalamat kami sa inyong pagtitiwala.
Ang "hustisya para sa lahat" ay tuwing sabado, alas siete hanggang alas otso ng umaga sa dwiz, 882 sa am band.
INUULIT KO NA ANG AMING TANGGAPAN ay nasa 5th floor, City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City. Kasama ko sa programang "HUSTISYA" si Justice Secretary Raul Gonzalez at State Prosecutor Olivia Non.
Inilapit ni Mario Suarez ang kanyang problema, Si Mario ay biktima ng Frustrated Murder. Si Mario ay galing pa sa Abuyog, Leyte at ang itinuturo niyang mga suspects ay ang kanyang pamangkin na sina Jeffrey at Jefferson Ritaga. Kinilala rin niya ang gunman na bumaril sa kanya na si Boy Alvero isang dating police sa kanilang lugar.
Ang insidente ay nangyari nung January 20, 2005 bandang alas siete ng umaga. Ikinuwento ni Mario Suarez ang background sa kasong Frustrated Murder .
Si Mario ay nakapagtrabaho sa ibang bansa, sa Sweden, hanggang sa nakaipon siya at nagkaroon ng pagkakataong bumili ng sariling bahay at lupa.
Nanghiram ng pera ang isang Dennis Allera kay Felicisima, kapatid ng kanyang asawang si Catalina subalit wala siyang sapat na pera para ipautang dito. Ang ginawa niya ay isinanla niya ang nabiling bahay at lupa pati na rin ang bahay at lupa na pag-aari ni Mario para may ipautang lang kay Dennis.
Makalipas ang isang taon kinakailangan na nilang matubos ang isinanla nila. Laking gulat nina Felicisima nang matubos ni Mario ang kanyang lupa na noon pala ay matagal na nilang pinagkaka-interesan ng mga ito.
Gumawa ng paraan itong si Felicisima upang hadlangan ang magandang buhay na tinatamasa ng mag-asawang Catalina at Mario.
Ika-20 ng Enero 2005, bandang 7:00 ng umaga, papasok na siya nang may biglang bumaril sa kanya. Dalawang beses siyang binaril.
Ang unang tama niya ay sa may mukha. Tumakbo siya at hinabol siya nung suspect. Nakilala niya ang kanyang mga pamangkin na kasama nitong gunman.
Nadapa itong si Mario at ng abutan siya ng gunman, binaril pa siyang muli at sa bandang ulo naman ang tama niya.
Akala ng mga suspects patay na ang taong ito kayat iniwan na siya.
Isang milagro ang pagkabuhay nitong si Mario. Nagsampa siya ng kasong Frustrated Murder laban sa kanyang dalawang pamangkin at sa isang John Doe dahil sa mga sandaling yun hindi pa niya nakikilala ang identity ng gunman.
Ang kaso ay dininig ni Prosecutor Bienvenido Montalla ng Abuyog, Leyte.
Na-dismiss diumano ang kaso laban sa dalawang pamangkin ni Mario for Insufficiency of Evidence. Hindi ko maintindihan itong Fiscal na ito, positibo na ngang na identify ni Mario ang kayang dalawang pamangkin na kasama ng gunman at sinabi niya ang motibo ay tungkol sa lupa, dinismiss pa nitong si Montalla.
Si Boy Alvero, na dating pulis ay nakilala ni Mario ng makita niya ito na kasama ang dalawang pamangkin niyang sina Jeffrey at Jefferson Ritaga sa isang pagkakataon. Sigurado siyang ito ang gunman na bumaril sa kanya ng dalawang ulit.
Sinabi rin niya sa Piskal subalit hindi daw siya pinakinggan nito.
Nangako si Sec. Gonzalez na ipatatawag niya itong si Montalla upang ipaliwanag ang kanyang resolution at ang "HUSTISYA" ay gagawin ang lahat para mare-evaluate ang kasong naka file na Petition For Review sa tanggapan ng Department of Justice.
Samantala, si Mario ay ngayon nagtago, paiba-iba ng tinutuluyan sa takot dahil hinahanting daw ito ng gunman at ilang mga kasamahan nito. Parang daga na palipat-lipat ng lungga.
Ilalagay namin siya sa Witness Protection Program para mabigyan ng kaukulang proteksyon mula sa DOJ. Itoy isa lamang sa mga programa ng DOJ para sa mga taong biktima ng karahasan at nanganganib ang buhay.
Mga kaibigan, sa lahat na nagtatanong paano sila maaring magpadala ng liham sa akin maari niyong ipadala sa address ng aming tanggapan sa 5th floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.
PARA SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN, KARAHASAN AT MERONG LEGAL PROBLEMS, MAGSADYA KAYO SA AMIN TUWING LUNES HANGGANG SABADO, ALAS NUWEBE NG UMAGA HANGGANG ALAS SAIS NG HAPON.
Maari din kayong tumawag sa aming direct line, 638-7285. Maari din kayong magtext sa 09213263166 at sa 09209672854.
Mga may problema tungkol sa lupa, nangako ang tanggapan ni Administrator Benedicto Ulep ng Land Registration Authority na magpapadala sila ng task force para tugunan ang inyong problema sa Huwebes sa aming tanggapan. Meron ding abogado na taga Public Attorneys Office na maaring tumulong sa inyo. Magpunta lamang sa amin sa "CALVENTO FILES" o sa "HUSTISYA."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended