Dinala ni Bernard ang kanyang motorbike sa isang talyer sa Quirino Avenue, Paco, Manila para ipagawa. Ang masama imbes na magawa ay nawawala ito ngayon matapos kumpiskahin ng grupo ng MPD ANCAR sa pangunguna ng isang PO2 Jonas dela Cruz.
Dito nag-umpisa ang kalbaryo ni Bernard nang dalhin ang kanyang motorsiklo sa MPD-ANCAR.
Ang motorsiklo raw ni Bernard ay walang papeles at pinalalabas na nakaw. Ang istoryang ito ay nangyayari only in the MPD-ANCAR Unit! Tama ba Senior infection este mali Inspector pala Leopoldo Salcedo este mali Mangilinan pala.
Bakit nang i-produce ni Bernard ang papeles ng kanyang motorbike para malaman ng mga lespiak na hindi ito nakaw upang makuha niya ang sasakyan ay nagkaroon ng twist sa story telling a lie dahil nawawala naman ngayon ang motorsiklo. Ano ba ito? NCRPO bossing Vidal Querol, Sir?
Nang kausapin si Bernard regarding the missing motorbike na babayaran na lamang ng P25,000 para dehins na lumaki ang isyu ay bigla naman lumutang ang hinahanap na motorsiklo. Ang problema nga lang ang sasakyan ay kalansay na at ang tunog ng motor ay parang kinalampag na toother ng shabu. May mga adik ba sa MPD-ANCAR?
PDEA bossing Anselmo Avenido kailangan mapa-ihi ang mga lespiak todits para makita kung positive sila sa bo-shab!
Biruin ninyo apat na taga-media sa katauhan nina Itchie Cabayan, columnist ng Police Files, Edong Reyes, chief photog ng Journal Group of Publications, Jerry Tan at Rudy wet-pu kiliti Genteroy ang tumulong kay Bernard para kausapin ang mga gagong lespiak diyan sa ANCAR pero pinaikot pa sila na parang tsubibo ng mga tarantadong demonyo.
Ano kaya ang gagawin todits ni overstaying MPD Cheif Supt. Pedro bulalo este mali Bulaong pala? tanong ng kuwagong runner ng shabu sa may Anakbayan.
Sa palagay ko deadma lang toits, sagot ng kuwagong mangangahoy ng sasakyan.
Bakit hindi ba mga tauhan niya ang isinusumbong ni Bernard? anang kuwagong maninisip ng tahong
Baka naman onsetidor este mali kunsitidor si Sir sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Iyan ang tititigan natin ni bulalo este mali hepe pala, kamote.