"Gunman nasakote"
September 9, 2005 | 12:00am
LUMAPIT SA AMING TANGGAPAN SI LUDIVINA GANATE ng Quezon City upang humingi ng tulong hinggil sa pagkamatay ng kanyang kapatid na si Louie.
Itinampok din namin sa programang "HUSTISYA PARA SA LAHAT" tuwing Sabado alas siete hanggang alas otso ng umaga sa DWIZ, na kasama natin si Secretary of Justice Raul Gonzalez at Prosecutor Olive Non.
Nailathala namin ang istorya nang pagkakapaslang sa "CALVENTO FILES" at inilagay namin ang pangalan ng mga suspek na sina Ricardo "Ding" Pingol, Cesar "Sese" Pingol at Edwin "Boying" Lim. Ang mga ito ay kilala sa basag-ulo at madalas na nasasangkot sa gulo sa kanilang lugar.
Balikan natin ang ilang kaganapan sa kaso ng pagpatay kay Louie Ganate. Nagsimula ang gulo nang makita ni Felipe, ama ng biktima ang ginawang illegal connection ng tubig ni Ricardo na ikinagalit naman ng mga ito.
Bagong taon - ika-1 ng Enero 2005, sa pagitan ng alas-12 hanggang ala-una ng madaling araw habang naglalakad si Gilbert nadaanan niya ang magkakapatid na Ricardo, Cesar at Edwin. Binati niya ito ng "Happy New Year" sabay ihip sa torotot na hawak nito.
Subalit hindi naging maganda ang tugon ni Ricardo kay Gilbert. Imbes na tumugon ng maayos, sinabi nitong: Kanina happy pero ngayon nakita ko ang mukha mo hindi na. Pagkatapos, tinadyakan at pinagsasampal nito si Gilbert.
Hindi naman nalaman ni Louie ang nangyari sa kapatid. Tahimik lamang ito at ayaw ng gulo kaya madalas ay humihingi siya ng paumanhin kung may gulo mang kinasasangkutan ang kanyang pamilya.
Papunta na sana noon si Louie sa bahay ng kanyang kasintahang si Antonette subalit hindi na ito nakarating at nakita ng nobya nang barilin ito ni Ricardo.
Isang saksi ang nagpatunay na si Ricardo ang responsable sa pagkakabaril kay Louie. Samantala agaw-buhay na dinala sa ospital ang biktima. Sa kasamaang palad ay hindi na ito nakaligtas at binawian na rin ito ng buhay.
Hangad ng pamilya Ganate na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Louie. Nang lumapit ito sa aming tanggapan ay agad naaksyunan.
Tinawagan ni Secretary Raul Gonzalez si City Prosecutor Claro Arellano para mailabas na ang resolusyon na matagal ng nakabinbin dahil dito kay Prosecutor Antonio Lim. Agad nailabas ang resolution sa prosecutors office kasunod nito ay ang warrant of arrest para sa mga suspek.
Nakipag-ugnayan ang aking tanggapan sa National Bureau of Investigation, sa opisina ni Deputy Director Nestor Mantaring para ma-serve ang warrant at madakip ang mga suspek.
Inatasan naman ni Dir. Mantaring ang Special Task Force nung Ika-7 ng Setyembre 2005 na samahan ang pamilya ng biktima na alam kung nasaan nagtatago ang gunman sa pagpatay sa kanyang asawa.
Bandang alas-5 ng hapon nang magpunta ang team sa pangunguna ni Agent Darwin Francisco ng Special Task Force para dakpin ang mga suspek sa bahay nito sa Novaliches, Quezon City.
Positibo na ang suspek na si Ricardo Pingol ay nasa kanilang bahay. Dumating ang team ng NBI at agad itong dinampot.
"Pumapalag pa nga at parang gustong tumakas pero hindi na niya nagawang makatakas pa," kwento ni Ludivina.
Samantala, ang dalawang kasama na sina Cesar at Edwin ay hindi natagpuan.
"Masaya kami sa pagkakahuli ni Ricardo dahil mabibigyan na rin ng hustisya ang pagkamatay ni Louie. Itong si Ricardo ang siyang bumaril talaga sa aming kapatid. Sana rin ay mahuli pa ang dalawang suspek at harapin nila ang krimeng ginawa nila," sabi ni Ludivina.
Nangako ang National Bureau of Investigation sa pamumuno ni Director Reynaldo Wycoco, na ang lahat ng ilalapit sa programa naming "HUSTISYA PARA SA LAHAT" at sa "CALVENTO FILES" ay aaksyunan nila para mas marami pa sa ating mga kababayan ang matulungan.
Nananawagan na rin ako kina Cesar "Sese" Pingol at Edwin "Boying" Lim na sumuko na sa lalong madaling panahon dahil meron ng manhunt laban sa inyo at sa halip na mapahamak kayo, mas mabuting mapayapa kayong makipag-ugnayan sa aming tanggapan.
Ang pagkahuli sa suspect na si Ricardo "Ding" Pingol dahil sa pagpatay kay Louie Ganate ay ibinabalik namin ang papuri sa Panginoon dahil kundi sa tulong niya ang lahat ng ito ay hindi magagawa.
Marami ring tao ang dapat pasalamatan. Sina City Prosecutor Claro Arellano, Deputy Director Nestor Mantaring, ang mga tauhan ng NBI-STF.
Sa mga taong lumalapit sa amin, salamat din sa inyong tiwala at umasa kayong gagawin namin ang lahat para makatulong sa inyong problema.
PARA SA ANUMANG KASONG KRIMEN, BIKTIMA NG KARAHASAN AT PANG-AAPI, MAARI KAYONG LUMAPIT SA AMING TANGGAPAN SA 5TH FLOOR CITY STATE CENTER BLDG., SHAW BLVD., PASIG CITY.
MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 6387285 o DI KAYA MAGTEXT SA 09213263166, 09209672854.
BUKAS, ABANGAN ANG PROGRAMANG "HUSTISYA PARA SA LAHAT" ALAS SIETE HANGGANG ALAS OTSO NG UMAGA SA DWIZ, 882am band.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended