^

PSN Opinyon

Sabit si Swak Sing sa BoC revenue collection

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
CONGRATS kay two-star General Marcelo S. Ele Jr., bossing ng PNP-DIDM dahil hinirang siya ngayon ni PNP bossing Art Lomibao bilang concurrent Chief ng AIDSOFT kapalit nang nag-tired este mali retired pala na si General Ricardo de Leon. Ang pagbati ay buhat kay NPC Director at NAIA Press Corps Inc., Prez Jerry Yap at mga miyembro nito. Sa Ateneo Law School graduate si Jun Ele for your information member siya ng Uthopia fraternity.

Ang isyu, lagapak ang revenue collection sa BoC sa pambansang daungan ng Pilipinas. Bakit kaya?

Sangkatutak ang ask force na nakatambay na parang mga patabaing baboy sa office ni Swak Sing dahil alaws ginawa ang mga pigs dito kundi ang mangbakal sa mga negosyanteng may transaction sa bureau. Five hundred pesos (P500.00) ang asking price sa bawat entry na hini-hingi ng mga kamote sa mga negosyante na may tran-saction sa pier. Alam kaya ito ni BoC Commissioner Valong Arevalo? Kung dehins dapat paimbestigahan niya ito.

Kasi siya ang tatamaan ng pagbagsak ng collection kapag nagkataon at baka tarayan siya ni Prez Gloria Macapagal-Arroyo.

Your Honor kwidaw ka!

Nakakaladkad pa raw ang pangalan ni DENR Secretary Mike Defensor sa pier dahil sa mga kagaguhan ng mga alipores ni Swak Sing.

‘‘Bakit kasama ang pangalan ni Secretary Mike sa bureau?’’ tanong ng kuwagong manghihilot ng collection.

‘‘Iyan ang dehins ko alam,’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Ano ang dapat gawin sa mga galamay ni Swak Sing?’’

‘‘Siguro si Arevalo ang dapat sumagot sa tanong mo kamote,’’ sagot ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Sige abangan natin ang aksyon ni Valong regarding this kundi pa siya aalisin?

‘‘Bakit naman?’’

‘‘Bagsak as in bagsak ang revenue collection sa bureau’’

‘‘Diyan korek ka kamote!’’

ART LOMIBAO

BAKIT

COMMISSIONER VALONG AREVALO

ELE JR.

GENERAL MARCELO S

GENERAL RICARDO

JUN ELE

PRESS CORPS INC

SWAK SING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with