^

PSN Opinyon

DENR, DOH nag-isyu ng pamantayan sa pamamahala ng hospital wastes

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
(Huling Bahagi)
PAMAMAHALAAN din ng DENR ang regular na pagsusuri at pagmo-monitor ng mga wastewater na nagmumula sa mga ospitals.

Sa nasabing Order, walong pangunahing health care waste generators ang tinukoy kabilang na ang mga pagamutan, infirmaries, mga paanakan, mga laboratoryo sa klinika, mga pagawaan ng gamot, morge at mga autopsy centers, institusyong nagsisilbing paaralan para sa doctor, dentista, medical technology interns, x-ray technicians, nursing, homes, training centers sa mga nag-eembalsamo at mga drug rehabilitation centers. Kasama rin sa JAO bilang mga waste generators, ang mga dental at veterinary clinics, drug testing centers, at mga HIV testing laboratories.

Ang DOH naman ang mamamahala sa pagsasagawa ng mga pagsasanay hinggil sa Health Care Waste Management Program (HCWMP). Tutulungan din ng DOH ang mga pagamutan sa pagbuo ng isang plano para sa epektibong emplementasyon ng kani-kanilang HCWMP. Kung kayat ang plano para sa HCWMP ay isa ng requirement para sa ‘‘pag-isyu o pagrenew ng mga license to operate’’ ng mga pagamutan.

Ayon sa pag-aaral ng DOH, tinatayang may 2,068 ospital sa buong Pilipinas, kasama na ang 71 ospital sa ilalim ng DOH, na nakakalikha ng tinatayang 28 tone-lada ng wastes sa bawat araw.

Ang DENR at DOH ay kumikilala sa health care waste bilang katangi-tanging uri ng basura kung kaya’t ganoon na lamang ang pagpapahalaga namin sa Joint Administrative Order na ito upang mapangalagaan ang kalusugan at kapaligiran mula sa mga masamang epektong maaaring idulot sa hindi maayos na pagtatapon, pag-iimbak ng mga ito.

AYON

DOH

HEALTH CARE WASTE MANAGEMENT PROGRAM

HULING BAHAGI

JOINT ADMINISTRATIVE ORDER

KASAMA

PILIPINAS

TUTULUNGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with