Assorted seafoods, kobe beef, etcetera, ang inilalabas ni no lungs sa Customs arrival area nang dehins binabayaran ng buwis. Sabi nga, bukol ang gobyerno sa trabaho ni no lungs.
Dalawang beses nang nakita ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang operasyon ni no lungs. Pa-text-text pa si no lungs habang inieskortan ang kanyang kliyenteng Sakang pagbaba sa eroplano patungo sa Immigration counter.
Pagna-clear na ang kaibigan nitong Sakang sa Immigration ay mag-uunahang kumuha ng jumbo cart para paglagyan ng katakut-takot na epektos ang mga saboteurs.
Ang kobe beef ay ipadadala nila o ipapasa sa ibang pasahero para kung magkabukuhan ay malayang mailalabas ang karne sa Customs zone upang hindi makumpiska ng taga-Quarantine.
Si no lungs ang sesenyas sa mga Sakang kung saan idadaan ang jumbo cart. Mabilis pa sa kidlat kung kumilos ang mga Sakang kasi baka matalisod sila ng Quarantine boys.
Kapag nakalusot ang mga Sakang sa kuko ng Quarantine boys maninigarilyo muna ang mga ito sa may arrival curbside. Ika nga, magpapahinga muna dahil hinapo sa pagbotak.
Pagkatapos ng yosihan bababa na ang mga Sakang sa arrival-extension para doon naman isakay ang kanilang epektos. Siyempre sa babaan kasabay na nila si no lungs dahil dito sa huli iaabot ang pitsang napag-usapan.
Ang pitsa ay dehins na makakarating sa ibang bugok na Customs kapag bumalik ito sa arrival area dahil bubukulan sila ni no lungs.
Ika nga, purdoy ang grupo ng kalabit pahingi!
"Kapag nalaman ni Collector Boysie Belmonte at Mimel Talusan ang style ni no lungs, tiyak may paglalagyan ang kamote," anang kuwagong manunuhol.
"Kapos ang kolum ng Chief Kuwago sa susunod na isyu ikukuwento natin ulit si no lungs."