^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Habang mga pulitiko’y nagdadakdakan kidnapers bumabanat naman!

-
MARAMING apektado nang walang katapusang pagbabangayan ng mga pulitiko. Habang patuloy sila sa pagtatalu-talo, sinasamantala naman ito ng mga "halang ang kaluluwa". Patuloy ang pagtaas ng krimen. Kabilang sa mga "halang ang kaluluwang" umaatake ngayon ay ang mga kidnapers. Kahit nagdeklara ang gobyerno nang pakikipaglaban sa kanila patuloy pa rin sila at hindi man lamang nababahag ang buntot. May dahilang hindi matakot ang mga kidnapper sapagkat may mga miyembro silang alagad ng batas.

Akala ni President Arroyo nadurog na ang kidnapping syndicates. Hindi niya alam na lalo pang dumami ang mga nakikidnap na anak ng Tsinoy. Kaya nang mag-SONA siya noong July 25, 2005, sinabi niyang durog na ang kidnapping syndicates sa bansa. Agad siyang kinorek ni Teresita Ang See, chairman ng Citizens Action Against Crime (CAAC) at sinabing patuloy ang sindikato sa pangingidnap. Sinabi ni Ang See na tumaas ang kidnapping cases noong June at July 2005. Iisa ang ibig sabihin, hindi na-update si Mrs. Arroyo ng Philippine National Police (PNP) sa tunay na sitwasyon ng kidnapping activities. Malinaw din namang sinasamantala ng mga kidnappers ang kaabalahan ng gobyerno sa pagtatanggol laban sa oposisyon hinggil sa impeachment complaint.

Noong nakaraang Martes, umatake na naman ang mga kidnappers at tatlong bata, kasama ang kanilang yaya ang kinidnap sa Quezon City. Pero nabigo ang mga kidnappers sapagkat nahuli sila ng mga operatiba ng Police Anti-Crime Emergency Response (PACER). Malaki ang nagawang tulong ng isang civilian na nakakita sa mga suspects at naireport nito sa police hotline numbers ang pangyayari.

Kinidnap ang magkakapatid at kanilang yaya habang patungo sa school. Hindi agad nireport ng mga magulang ng mga bikima ang pangyayari sa takot na saktan ng mga kidnappers ang kanilang mga anak. Isang concerned citizen ang nakakita sa mga lalaki at agad nireport sa mga pulis. Nilusob ang lugar at nailigtas ang apat. Isa sa anim na nadakip na kidnapers ay pulis. Kakahiya!

Sinasamantala ng mga kidnappers ang pagbabangayan ng mga pulitiko at ang pagni-ningas-kugon ng PNP. Kung hindi pa matatapos ang pagbabangayan at ang pagwawalambahala, patuloy din namang nakasaklot sa taumbayan ang panganib. Laging may takot sa nakaambang pagsalakay ng mga halang ang kaluluwa. Kailan gigising ang mga pulitiko at namumuno sa bansang ito?

ANG SEE

CITIZENS ACTION AGAINST CRIME

MRS. ARROYO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE ANTI-CRIME EMERGENCY RESPONSE

PRESIDENT ARROYO

QUEZON CITY

TERESITA ANG SEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with