Bingo Combo tulad ng Bingo-2 Balls
August 29, 2005 | 12:00am
TOTOO man o hindi na maglulunsad ang Pagcor ng "Bingo Combo" para pangontra sa jueteng, ang unang tumuligsa ay si Sen. Ping Lacson. Hindi naman patakaran ng Estado na dalhin ang sugalan sa bawat pamilya, aniya, kaya huwag ipatupad ang napabalitang legal na pamalit.
Ang pogi ng dating ni Lacson. Sana ganun din ang sinabi niya nang ipatupad ni Joseph Estrada nung Oct. 2000 ang Bingo 2-Balls. Magkatulad kasi ang dalawa. Ang kaibahan lang: Hipokrito si Lacson ngayon.
Ayon sa balita (na mariing pinabubulaanan ng Pagcor), ang Bingo Combo ay may 38 bingo cards. Tatayaan ng jueteng addicts ang dalawang numero. Ang dalawang unang manalong cards sa pampublikong bingo ang winning combination sa mala-jueteng na laro. Nagpulong na raw ang jueteng lords sa isang otel sa Pasay para ilatag ang rules at hatian. Mag-a-apply sila ng prankisa. Otsenta porsiyento ng kabig ay pupunta sa national government at sa pambayad ng panalo; bente porsiyento ang paghahatian ng may prankisa, ng mayor at ng pulis sa pook.
Ganun din ang Bingo-2 Balls na pinakana ni Erap crony Dante Tan, at inagaw ng isa pang crony na Atong Ang, nung 2000. Inutos ni nooy PNP chief Lacson na durugin ang jueteng para mapilitan lahat ng vice lords mag-apply ng prankisa sa Pagcor. Onse porsiyento ang mapupunta sa bulsa ni Erap bilang pamalit sa jueteng payola. Sina Cesar Mancao at Francisco Zubia ng PAOCTF (sa ilalim din ni Lacson) ang nagpatupad ng palaro. Dalawang linggo nag-dry run ang Bingo-2 Balls. Nahinto ang jueteng dahil naging "legal" ang laro. Yun nga lang, nag-away ang magpinsang Gov. Chavit Singson at Rep. Eric Singson sa prankisa sa Ilocos Sur. Buhat nun, nilantad ni Chavit ang jueteng payola ni Erap, na nauwi sa EDSA-Dos people power revolt.
Bakit ayaw ng hipokritong Lacson ang Bingo Combo samantalang siya ang enforcer ng Bingo-2 Balls? Simple, hindi siya kaparte sa raket ngayon, di tulad sa raket noon. Kaya nga ba dapat na tunay na magsiyasat ang Senado sa jueteng, imbis na palabas lang, para lumitaw ang totoo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest