^

PSN Opinyon

Ang plano sana ni Bro. Eddie sa PAGCOR

- Al G. Pedroche -
NANG kumandidato sa presidency si Bishop Eddie Villanueva, tinanong ko siya. Kung manalo, ano ang gagawin niya sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR)? Akala ko’y mabigat na tanong ito para sa isang bible believing Christian na tumatakbo sa panguluhan. Pero mabilis ang tugon ni Bro. Eddie. Aniya, hindi mabubuwag ang PAGCOR nang basta-basta dahil ito’y isang legal na ahensya ng gobyerno. Aniya "mai-impeach ako pag ginawa ko iyan."

Ngunit may paraan aniya upang baguhin ang mga pamamaraan nito sa pag-ilak ng pondo at gawing more attuned to Christian teachings at iyan ang kanyang gagawin through legal process, kung siya ang magiging Pangulo. The fact remains that PAGCOR is a legal government agency that funnels into the government coffer billions and billions of needed pesos to propell the nation.

Pero kakatwa na numero unong bumabatikos sa PAGCOR ay ilang alagad ng Simbahang Katoliko Romano na nakikinabang din sa pondo ng PAGCOR. Lumantad si Archbishop Oscar Cruz upang ibulgar ang aniya’y plano ng PAGCOR na maglunsad ng "Bingo Combo" na ipapalit sa ilegal na jueteng. Para sa isang ahensyang ang ikinabubuhay ay game of chance, natural na tumanggap ito ng mga panukala na may kinalaman sa sugal. But approving or disapproving the proposal is another story.

Inamin ni Chairman Efraim Genuino na nagkaroon ng ganitong proposal pero hindi inaprobahan. In other words, matagal na ang planong ito at bago pa man ilantad ni Cruz, naibasura na. Kaya yun palang dokumentong inilantad ng obispo sa media ay mga "procedural

guidelines"
lang na ginamit sa ebalwasyon ng PAGCOR kung dapat aprobahan o hindi ang proposal. Hindi ako dumedepensa sa PAGCOR. Ang pinupuntos ko ay masyado nang halata ang maniobra ng mga sektor na kontra sa Pangulong Arroyo na tila ang tanging gawain ay maghalungkat ng ebidensiya para gibain ang administrasyon. Kahit walang bigat ang ebidensya.

Hindi ko inaabsuwelto ang pamahalaan
sa mga akusasyon ng katiwalian. Ngunit kung maglalantad ng ebidensya ang sino man, kailangang kapanipaniwala at hindi naglalayong mamulitika lang.

vuukle comment

ANIYA

ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

BINGO COMBO

BISHOP EDDIE VILLANUEVA

CHAIRMAN EFRAIM GENUINO

NGUNIT

PAGCOR

PANGULONG ARROYO

PERO

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with