^

PSN Opinyon

Kakampi ng katotohanan

AMBA’S BRIEFS - Roy Señeres -
SA wakas, pagkatapos ng sunud-sunod na pag-atras ng mga witness sa senado, matapang namang lumantad si Capt. Marlon Mendoza, isang active army officer na nagsalita kahit delikado sa kanyang buhay at career. Ano nga ba ang nag-udyok kay Mendoza na lumantad? Ang sabi niya, nagsalita siya dahil gusto niyang ilabas ang katotohanan, ngunit sa tingin ko, ginawa niya yon dahil gusto niyang kampihan ang taumbayan bilang isang "protector of the people".

Ayon sa salaysay ni Mendoza, nakita niya ang katotohanan na ginamit talaga ni PGMA si Comelec Commissioner Virgilio Garcillano upang dayain ang nakaraang eleksyon. Naging bodyguard kasi siya ni Garcillano kaya lagi silang magkasama noon, at ang sabi niya nga, kung saan sila pumunta, lumabas na panalo si PGMA kahit siya ay natatalo sa totoo lang.

Marami ang nagtaka kung bakit napasama si Mendoza sa isang anti-jueteng hearing. Sa bandang huli, naging malinaw din na ang nais ng mga senador ay patunayan na ang pera galing sa jueteng ay ginamit para sa eleksyon. Nakalilito nga talaga, dahil jueteng nga talaga ang original purpose ng hearing, kaya lang laging napupunta ang usapan sa eleksyon.

Ito nga kayang si Mendoza ay unang putok lamang ng sunud-sunod na pagbaligtad ng mga sundalo, dahil hindi na nila matiis ang kanilang kaalaman tungkol sa diumano’y pandaraya ni PGMA? Dagdag pa niya, siya ay nagsalita rin alang-alang sa hustisya, kaya baka ang ibig niyang sabihin ay ang hustisya para sa mga ibang kandidato na nanakawan ng boto?

Iba-iba nga siguro ang style ng mga sundalo, kaya ang iba ay gustong magsalita, ang iba naman ay ayaw. Sa ginawa ni Mendoza, napatunayan niya na pwede naman palang mag-salita ang isang sundalo na hindi naman labag sa batas, lalo na kung ang senado pa ang may gusto ng pagdinig. I salute you, Capt. Mendoza!
* * *
For feedback, call or text Ambassador Señeres at 09224143582, or email [email protected] <[email protected]> The OFW Family Club invites OFWs and family members to join. Call 5267522 or 5267515 or visit http://www.ofwfamilyclub.com

vuukle comment

AMBASSADOR SE

ANO

AYON

CAPT

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLANO

DAGDAG

FAMILY CLUB

MARLON MENDOZA

MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with