^

PSN Opinyon

Panlaban sa cancer ang mani

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
NAPAKAYAMAN sa protina ng mani. Kahit nilaga, sinangag o gawing peanut butter, masarap ito. Bukod sa mas mura kaysa karne, maraming taglay ang mani na bitamina at mineral. Napag-alaman na ang sandakot na mami ay katumbas ng kalahati ng 13 bitamina at 35 percent ng 20 mineral na kailangan ng katawan.

Napag-alaman sa mga researchers ng Harvard School of Public Health na ang madalas na pagkain ng mani ay nagpapababa sa bilang ng mga may sakit sa puso. Nabatid din na ang mga babae na kumakain ng five servings of peanuts bawat linggo ay mahirap kapitan ng heart disease kumpara sa mga babaing bihira o hindi man lang kumakain ng mani.

Itinuturing na isang landmark discovery ang inihayag kamakailan Experimental Biology Conference sa Washington D.C. na ang mani ay may sangkap na phytosterol na mabisang panlaban sa colon, prostate at breast cancer. Pumapangalawa sa soybean, ang mani ay malakas pagkunan din ng vegetable oil na gamit sa pagluluto. Ang crude oil naman na galing din sa mani ay gamit sa paggawa ng sabon at detergent.

BUKOD

EXPERIMENTAL BIOLOGY CONFERENCE

HARVARD SCHOOL OF PUBLIC HEALTH

ITINUTURING

KAHIT

MANI

NABATID

NAPAG

PUMAPANGALAWA

WASHINGTON D

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with