BI Associate Commissioner Teddy Delarmente natawa lang!

HALOS sumakit ang tiyan sa katatawa nang mabalitaan ni Bureau of Immigration Teddy Delarmente na ang taong nasa likod ng paghahanda ng mga travel documents ni Hello Garci na pumuga ng Pinas noong gabi ng July 14 papuntang Singapore.

Nakausap ng mga kuwago ng ORA MISMO si Teddy at nagtataka siya kung bakit siya ang pinahahagingan regarding Hello Garci. Wala akong pakialam kay Hello Garci lalo’t sa pag-ayos ng mga documents niya palabas ng bansa.

Dehins pala personal na kilala ni Teddy si Hello Garci. Alam ni Teddy na masyadong kontrobersyal si Hello Garci kung papapilan pa niya toits. For your information, si Teddy ay isang Lawyer, miyembro ng PMA Class ’70 at classmates ng mga magigiting at magagaling na naging heneral, mga tao sa gobyerno et cetera.

Si DPWH Secretary Jun Ebdane ay classmate pala niya, si resigned BIR Commissioner Willy Parayno ay classmate rin niya, ang anak ni dating AFP Chief of Staff Fabian Ver na si Erwin ay classmate rin et cetera.

Kaya nga nagtataka si Teddy kung bakit siya ang ikinakabit kay Hello Garci dahil ba sa mga classmates niya. Ang asawa ni Teddy ay kakampi ng administrasyon ni Prez Gloria Macapagal-Arroyo si QC Counsilor Tita Beth Delarmente.

Matindi ang accomplishment ni Tita Beth ang kanyang mga constituents na lamang sa QC ang magbibida at baka mapagbintangan pa ang mga kuwago ng ORA MISMO na sila ang PR ni Konsehala!

Si Hello Garci, kasi ay pumuga kaya ngayon sangkaterba ang napapahamak sa ginawa niyang katarantaduhan. Pati ang eroplanong sinakyan ni Hello Garci ang Subic Air Lear Jet ay malamang masasabit sa imbestigasyon.

‘‘Bakit iniwan ni Hello Garci ang kanyang kayamanan este mali ari-arian pala sa Pinas?’’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Baka may papatay dito kaya umalis para malinis, ‘‘sabi ng kuwagong maninisip ng tahong.

‘‘Tiyak dehins papayag si Prez kung ganito ang gusto nilang gawin kay Hello Garci’’ anang kuwagong Kotong cop.

‘‘Sino bang Prez ang ibig mong sabihin?’’

‘‘Perma-prez, kamote!’’

Show comments