"Hustisya para sa lahat…"

BUKAS, SABADO, ALAS SIETE HANGGANG ALAS OTSO NG UMAGA, ABANGAN ANG PAGTATANGHAL NG PROGRAMANG "HUSTISYA PARA SA LAHAT…" SA DWIZ 882 KHZ sa AM BAND.

Ang programang ito ay hosted ni Sec. of Justice Raul M. Gonzalez at Prosecutor Olive Non. Kasama rin ang inyong lingkod at ang topic na aming tatalakayin ay ang reklamo ng isang ginang na inilapit sa "CALVENTO FILES" laban sa isang dating Congressman.

Kasong rape naman ang isang kasong inilapit sa amin ng isang menor de edad na taga Romblon. Inirereklamo nila na nung 2003 pa naganap ang rape subalit hanggang sa mga sandaling ito, hindi pa rin naaaksyunan ng Prosecutor na naka-assign sa kaso. Inuupuan diumano ang kasong ito.

Mga biktima ng karahasan, krimen, pang-aapi, pang-aabuso, maari ninyong ilapit sa aming tanggapan sa 5th floor, City State Center Bldg., Pasig City. Hanapin ninyo ang opisina ng "Hustisya" o di naman kaya ang "CALVENTO FILES." Ang aming direct line ay 638-7285.

NAIS kong bigyan daan ang panawagan ng ating mga kababayan ng may problema na hanggang ngayon ay bingi ang tanggapan ni BENDICTO ERNESTO BITONIO, ang Chair ng NLRC.

Ayon sa taong nagparating sa amin ng reklamo, hanggang ngayon hindi pa rin kumikilos itong si Bitonio sa himbing ng kanyang pagtulog.

Basahin natin ang sulat na ipinadala niya sa atin.

"Nais kong batiin kayo Mr. Tony ng magandang araw. I’m Neil Valentino of Eastwind Montalban Rizal,nais kong manawagan kay newly appointed Chairman Mr. Bitonio thru your column "Calvento Files" regarding NEIL VALENTINO VS. SYNOVATE INC. filed on April 2003 dahil hanggang sa oras na ito natutulog pa o inaamag pa yata ang reklamo ko. Inilapit ko na sa inyong programa upang mabigyan na HUSTISYA ang matagal na paghihintay at pabalik-balik para lamang i-monitor baka nagka bayaran na.

Nuong October 2004 nanalo po ito pero nung inapela ng synovate inc. napunta sa Division 1 sa Commission ni dating Chairman Señeres at lagi ako sa chairman’s office pero hindi pala pwedeng makausap ng isang Juan dela Cruz si chairman upang mapa bilis man lang ang kaso, sumulat din ako at binigay ko sa kanyang Chief of Staff na si Arbiter Velasco wala ding nangyari. Hindi po ako ang may kagustuhan sa reklamo na ito mismong si Frank Solitario ng Synovate ang naging sanhi upang dalhin ko ito sa NLRC dahil wala silang takot sa Batas ng paggawa. Isang buwan po akong pabalik balik para makabalik sa minahal kong trabaho pagsu survey ngunit para siyang LANGAW na nakatuntong sa puwet ng kalabaw ganun siya ka tigasin. 

Mr. Tony dapat kaming maliliit ay tulungan ng gobyerno laban sa abusadong kompanya na hindi sumusunod sa tamang proseso sa pagtanggal na empleyado na walang "DUE PROCESS" ngunit imbes na tulungan kami lalo kaming kaawa awa sa pabalik balik sa NLRC at parang busabos ang tingin sa amin ng mga NLRC staff na kung magsalita akala mo kung sinong mataas. Sana bigyan ito ng agarang AKSYON ni Chairman Bitonio. Sana magkaroon ng REPORMA dahil napakaraming kaso na sa NLRC ay inaamag na. Dapat mabilis ang Public Service dahil napakalaki ng suweldo nila at ito ay galling sa KABAN ng bayan.

Pasensya sa aking mga sinabi dito dahil ubos na ang pasensiya ko sa NLRC. Maraming salamat at mayroon ganitong column na malaking tulong sa amin. Nanawagan din po ako kay SEN. LACSON upang bigyan pansin ito ng kanyang tanggapan sa senado.

Mabuhay kayo Mr. Tony at GOD BLESS YOU.

Lubos na gumagalang,

Neil B. Valentino

Address withheld upon request.

CHAIRMAN Bitonio, ikaw kaya ang pabalik-balikin na parang trumpo dyan sa tanggapan na pinamumunuan mo. Ang dami ng reklamo kaming natatanggap tungkol sa mga nakatenggang kaso dyan.

May mga sapot na ng gagamba ang ilang mga folders tungkol sa kaso laban sa mga malalaking kompanya ng ating mga maliliit na manggagawa na biktima ng di-makatarungang aksyon laban sa kanila.

Nabasa mo naman ang sulat nitong si Mr.Valentino. Meron kayong obligasyon na iresolba ang mga kaso na nandyan sa inyo sa lalong madaling panahon dahil karamihan sa mga nagrereklamo mga minimum wage earners lamang at isang kahig-isang tuka. Tapos, mauubos pa ang oras nila sa ka papafollow-up sa desisyon ng mga arbiters sa kaso nila.

Tignan mo rin baka meron kang mga arbiters na hindi pumapasok araw-araw dahil may report sa akin na may ilan dyan na kung pumasok ay dalawang beses lang sa isang linggo. Madalas daw makita sa beer garden, sa mga casino at karerahan.

Itong si Mr. Valentino, kung kani-kanino na lumapit at naka-ilang referral letter na raw siya na address sa inyo subalit sa basurahan lang yata napupunta dahil wala namang aksyon ang iyong tanggapan.

Justice delayed is justice denied!

PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTONS, MAARI KAYONG MAGTEXT SA 09213263166. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 638-7285 O DI KAYA SA G3739.

Show comments