^

PSN Opinyon

Paano aalagaan ang may Parkinson’s disease

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
SI Aling Marcelina, 75, ay matagal nang may Parkinson’s disease. May mga sandali na tuluy-tuloy at hindi maawat ang pagliko ng leeg niya. Ganyan si Aling Marcelina kapag sinusumpong ng Parkinson’s disease. Una niyang nalaman ang sakit niya dahil sa hindi siya makasulat na mabuti. Panay ang galaw ng kamay niya na parang pasmado at namamanhid ang braso niya. Nagpatingin siya sa doktor at niresetahan siya ng mga gamot na pawang pangkalmante lamang dahil sa ang Parkinson’s disease ay isang sakit na walang lunas.

Alam ng mga kasambahay ni Aling Marcelina na hindi na siya gagaling kaya sila mismo ang gumawa ng paraan para maibsan ang paghihirap ng Matanda. Inalam nila ang wastong nutrisyon para sa matanda. Pinakain nila si Aling Marcelina nang maraming gulay, prutas at hindi fats and sugar. Pinagsikapan nilang pakainin si Aling Marcelina ng mga fiber food, sariwang prutas at green leafy vegetables. Madalas nalang pakainin na may natural laxa-tive effects. At dahil sa kanilang pamamaraan ng pagpapakain at pag-aasikaso sa matanda kaya hindi na ito masyadong nahihirapan sa Parkinson’s disease.

ALAM

ALING MARCELINA

GANYAN

INALAM

MADALAS

MATANDA

NAGPATINGIN

PANAY

PINAGSIKAPAN

PINAKAIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with