ALAM nyo ba na sa lahat ng prutas ang bayabas ang pinakamayaman sa calcium? Meron itong 165 miligrams na calcium at limang beses na mas mayaman sa calcium kaysa orange.
Maraming health benefits sa bayabas. Mayaman ito sa dietary fiber na pangontra sa colon cancer at ang taglay nitong Vitamin A ang malakas na panlaban sa kanser at nagpapalakas sa immune system. Ang balat ng bayabas ay gamot sa sugat. Mainam ang pinakuluang dahon ng bayabas sa paglalanggas ng mga bagong tule.
Alam nyo ba na ang mustasa ay isa sa pinakamasustansyang pagkain. Ito ay may 147 miligrams na calcium, 3,600 miligrams na Vitamin A na pampalinaw at pampakislap ng mga mata. Meron din itong Vitamin B1 at B2 na nagpapasigla sa ating nerves. Bukod sa pagiging very nutritious, napatunayang itoy nagpapataas din ng I.Q.
Madaling itanim ang mustasa at sa loob ng 45 na araw ay puwede nang anihin. Ang pinakamainam na paraan ng pagtatanim ng mustasa ay ang ibaon ang buto sa lata o sa paso at makaraan ang tatlong linggo ay ilipat o i-transplant na sa lupa.
Alam nyo ba kung ano ang Carpal Tunnel Syndrome (CTS)? Ito ay may kinalaman sa sobrang pananakit ng mga kamay at mga daliri. Ang CTS ay kadalasang nakukuha sa paggamit ng mga instrumento tulad ng computer at makinilya at maging ng mga musical instruments gaya ng piyano at gitara na gamit na paulit-ulit ang mga kamay at daliri.
Marami ring alcoholic ang may CTS. Kadalasan pag nalalasing ay nakakatulog sila na ang kanilang ulo ay nakahimlay sa kanilang braso nang mahabang oras at paggising ay paralyzed na ang kanilang braso.