^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Marami nang namamatay sa dengue pero ang DOH pa-easy-easy…

-
MAY mga namatay ng bata sa Nueva Ecija dahil sa dengue. Tinatayang apat na ang namatay at 200 naman ang kaso ng dengue sa Gen. Tinio, Nueva Ecija. Bukod sa Gen. Tinio, may mga dengue cases na rin umano sa San Leonardo, General Natividad at Cabiao pawang mga bayan sa Nueva Ecjia. Naiulat din na may dengue cases sa Bulacan at Valenzuela City. At ngayon, narito na sa Metro Manila ang kinatatakutang dengue. Walo na ang naiuulat na namamatay sa dengue sa Quezon City at may 64 na tao na ang apektado nito.

At sa mga nangyayaring pagkalat ng kaso ng dengue, wala namang nakikitang hakbang ang Department of Health (DOH) kung paano agarang malulunasan ang problema. Ni walang makitang kampanya kung paano mapapatay ang Aedes Aegypti na nagkakalat ng nakamamatay na dengue.

Mayroon na ba kayong napanood sa telebisyon na anunsiyo ng DOH tungkol sa dengue? May narinig na ba kayong babala sa radio kung paano iiwas sa dengue ang mga tao? May nabasa na kayong babala sa mga diyaryo para mag-ingat sa dengue at kung paano ang mga gagawin sakali at makakita ng sintomas ng dengue? Nakabasa na ba kayo ng mga tamang gagawin para makita ang mga pinamamahayan ng mga lamok na Aedes Aegypti?

Wala pa! At kung hindi pa si President Arroyo ang nag-utos na puksain ang mga lamok na nagdadala ng dengue ay baka hindi pa kikilos ang DOH. Inatasan ni Mrs. Arroyo ang DOH na makipag-ugnayan na sa mga pamahalaang local at mga ahensiya ng gobyerno para masugpo na ang pagkalat ng dengue partikular sa Metro Manila. Sinabi ni Mrs. Arroyo na magsasagawa ng fumigation ang DOH para mapuksa ang mga lamok na may dengue.

Ang pagkilos ni Mrs. Arroyo para sa kampanyang lipulin ang mga lamok na nagdadala ng dengue ay patunay lamang na walang silbi ang DOH secretary. Kailangan pa bang si Mrs. Arroyo ang magsikap para mapatay ang mga lamok? Ano ang silbi at inilagay pa siya sa puwesto kung ang Presidente pa na maraming kinakaharap na problema ang gagawa ng tungkulin niya.

Hindi birong problema ang dengue sapagkat iglap lamang ay maaaring ubusin ang barangay sa bagsik ng kamandag na hatid ng Aedes Aegypti. Ang problemang ito ay taun-taong nangyayari at dapat napaghahandaan bago pa dumating ang pagkapeste. Isipin ang kaligtasan ng mamamayan.

AEDES AEGYPTI

DENGUE

DEPARTMENT OF HEALTH

GENERAL NATIVIDAD

METRO MANILA

MRS. ARROYO

NUEVA ECIJA

NUEVA ECJIA

PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with