'Pekeng dokumento gawa ng gobyerno'
August 7, 2005 | 12:00am
DITO lang yata sa Pilipinas nangyayari na ang gobyerno mismo ang namemeke ng mga dokumento, sa halip na sila ang manghuli ng mga peke. Hanggang ngayon, hindi pa mapaliwanag ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye kung sino ang gumawa at kung papaano talaga nakarating sa kanya ang diumanoy mga tunay na "Garci" tapes na nabisto rin namang mga peke, dahil inamin na mismo ni PGMA na sa kanya na nga ang boses doon sa tunay na tape.
Hanggang ngayon, marami pa rin ang nagdududa kay Bunye na gawa-gawa lang niya ang mga pekeng tape, para mapagtakpan niya si PGMA.
Ngayon naman, may lumabas na namang isang diumanoy tunay na sinumpaang salaysay ni Joey Rufino, na unti-unting nabibisto na peke pala. Sino na naman kaya ang utak nitong bagong pamemeke? Si Bunye na naman kaya? Sobra na talaga siya kung siya pa rin ang may pakana nito.
Papaano kaya nangyaring ang isang taong nasa intensive care unit (ICU) na raw, at tila comatose na nga, ay nakuha pang gumawa ng isang napakahabang sanaysay, at nakuha niya pang lagdaan ito? Ayon sa mga bali-balita, ibang tao naman daw ang may gawa ng sanaysay na iyon, at iba rin daw ang pumirma, kaya nga peke talaga.
Hindi ba napakasamang halimbawa naman ang ibinibigay ng ating gobyerno, dahil alam na ng lahat na namemeke rin pala sila? Ano pa ngayon ang karapatan ng gobyerno na maghigpit sa paghuli ng mga pekeng dokumento kung sila mismo ay nahuli na ring namemeke?
Parang baligtad na yata ang nangyayari, dahil pinapalabas ng gobyerno na kakasuhan daw nila si Michaelangelo Zuce, dahil fake na witness. Talaga lang ha? Kung ganoon, dapat hayaan na lang siya ng gobyerno dahil may karapatan naman siyang magsalita. Kung talagang peke siyang witness, bakit parang takot na takot ang Palasyo sa maaari niyang sabihin? Kaya kaya nilang kidnapin at takutin si Zuce tulad ng ginawa nila kay Doble?
For feedback, call or text AMBASSADOR Señeres at 09224143582, or email royseñ[email protected] The OFW Family Club invites OFWs and family members to join. Call 5257522 or 5257515 or visit http://www.ofwfamilyclub.com
Hanggang ngayon, marami pa rin ang nagdududa kay Bunye na gawa-gawa lang niya ang mga pekeng tape, para mapagtakpan niya si PGMA.
Ngayon naman, may lumabas na namang isang diumanoy tunay na sinumpaang salaysay ni Joey Rufino, na unti-unting nabibisto na peke pala. Sino na naman kaya ang utak nitong bagong pamemeke? Si Bunye na naman kaya? Sobra na talaga siya kung siya pa rin ang may pakana nito.
Papaano kaya nangyaring ang isang taong nasa intensive care unit (ICU) na raw, at tila comatose na nga, ay nakuha pang gumawa ng isang napakahabang sanaysay, at nakuha niya pang lagdaan ito? Ayon sa mga bali-balita, ibang tao naman daw ang may gawa ng sanaysay na iyon, at iba rin daw ang pumirma, kaya nga peke talaga.
Hindi ba napakasamang halimbawa naman ang ibinibigay ng ating gobyerno, dahil alam na ng lahat na namemeke rin pala sila? Ano pa ngayon ang karapatan ng gobyerno na maghigpit sa paghuli ng mga pekeng dokumento kung sila mismo ay nahuli na ring namemeke?
Parang baligtad na yata ang nangyayari, dahil pinapalabas ng gobyerno na kakasuhan daw nila si Michaelangelo Zuce, dahil fake na witness. Talaga lang ha? Kung ganoon, dapat hayaan na lang siya ng gobyerno dahil may karapatan naman siyang magsalita. Kung talagang peke siyang witness, bakit parang takot na takot ang Palasyo sa maaari niyang sabihin? Kaya kaya nilang kidnapin at takutin si Zuce tulad ng ginawa nila kay Doble?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended