Ano ba talaga ang problema nitong si Gonzalez at napakainit ang dugo niya sa mga biyuda? Maalala nyo, binanatan niya rin noon si Ms. Susan Roces, na wala rin namang ginawang masama laban sa kanya. Ganito ba talaga ang kanyang style, na basta niya na lamang binabanatan ang mga kumakalaban sa kanyang boss, upang siya naman ang mapaboran?
There is honor even among thieves, ngunit kahit hindi naman magnanakaw itong si Gonzalez, si Cory at si Kris, dapat naman malaman nitong naturingan pa man ding Justice Secretary na bahagi ng wastong hustisya ang pagmahal, pagkalinga at pagbigay-galang sa mga biyuda. Masuwerte lang siya na patay na si Ninoy, kung hindi ay hinabol na siya ng itak.
Kung ang magnanakaw ay kapatid ng sinungaling, maaari rin sigurong sabihin na ang honor ay kapatid ng respeto. Sa totoo lang, life is a two-way street, kaya kung walang honor and respect si Gonzalez sa mga babae at biyuda, dapat din kaya natin siyang bigyan ng wastong paggalang?
Kung naaalala nyo pa noong nakaraang canvassing sa Kongreso, tinanong ni Rep. Ompong Plaza si Gonzalez kung bakit parang salungat na ang kanyang mga bagong sinasabi sa mga dati niyang sinabi. Simple lang ang paliwanag ni Gonzalez, dahil sinabi niya lang na ang bawat tao raw ay may karapatan namang magbago ng kanyang prinsipyo. Ano ba ang nangyayari sa ating bayan at nagkaroon tayo ng isang "Secretary of Injustice"?