Hindi biro ang maging bossing sa airport kasi puro matitinding problema ang sasalubong mula sa mga pulitikong pulpol hanggang sa pinakamaliit na empleyado. Nilinaw ni Al na hinding-hindi siya magre-resign at hindi niya kayang iwanan si Prez GMA sa panahon ng political crisis na nangyayari ngayon sa bansa.
In short, he will serve the president to the last day of her administration. Kaya naman saludo ang mga kuwago ng ORA MISMO, kay Al hindi bigay bawi sa gobyerno. Ika nga, iba ang may loyalty!
Matindi ang ginawang intriga kay Al porke malapit ito kay First Gentleman kaya napuwesto sa MIAA.
Ang dehins alam ng mga tekamots maraming credentials si Al sa katawan at hindi niya ito binubuyangyang. Sabi nga, simpleng tao kasi toits!
Si Al lang naman ang nagpalago at nagpaganda sa corporate status ng Aboitiz Shipping Lines, Philippine Ports Authority kaya naman halos ganito rin ang ginagawa niya sa paliparan dahil gusto nitong i-professionalized ang employees dito. Noong kasi mga nakaraang administrasyon puro bangayan, siraan, intrigahan echetera ang trabaho ng ilang gago sa airport.
Ang mga gagong nasa floating status ay walang ginagawa kundi sirain ang kredibilidad ng kanilang mga kasamahan.
Kaya nagpapasalamat ang mga employees kay Al kasi nagawa niyang pigilin ang mga katarantaduhan sa NAIA. Isa sa mga ito ang no to kotong.
Hulihin ang titira at sisira sa imahe ng MIAA.
OK pala si Al kaya smooth ang botak ng hotraba diyan sa airport sabi ng kuwagong maninisip ng tahong.
Hindi lang si Al ang disiplinado pati ang mga galamay na dinala niya sa airport ay ganuon din, anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
Ano ngayon ang masasabi naman kay Al? tanong ng Kuwagong Kotong Cop.
Magtrabaho ng maayos. Iyong lang Kamote!