^

PSN Opinyon

Ang inaayawan kay Kabayan

- Al G. Pedroche -
NAGKITAKITA kami ng tatlo kong malalapit na kabarkada nung high school. Pinag-usapan ang kasalukuyang problemang pampulitika at ang gegewanggewang na administrasyong Arroyo.

Ayaw nila kay GMA pero hindi sila sumusuporta sa "Resign Gloria". Kasi, takot silang maluklok sa puwesto si Vice President Noli "Kabayan" de Castro. Marami na rin akong ibang nakausap na may ganyang agam-agam.

Sabi ni Edward, hindi siya bilib sa utak ni Kabayan. "Mababaw" aniya. Noon daw Senador pa, nagsilbing "pampainit ng silya" lamang si Kabayan. Hindi kayang makipagbalitaktakan sa mga malalimang deliberasyon.

‘Ika naman ni Tony, nangangamba siya na kung magiging Pangulo si Kabayan, baka maging "puppet" lang siya ng mga Lopez, na dati niyang mga amo sa ABS-CBN. Baka raw ang interes lang ng negosyo ng mga Lopez ang atupagin pag-upo sa Malacañang.

Kontrobersyal din si Kabayan porke nabanggit sa "Hello Garci" tape nang sabihin ni dating COMELEC commissioner Garcillano na nakausap niya ang abogado diumano ni Kabayan na may higing ng pandaraya sa nagdaang 2004 elections.

Kumbaga sa sasakyan, anang isa sa aking mga kabarkada, si Kabayan ay isang spare tire na depektibo na rin. Kapag na-flatan, hindi ubrang ipalit.

Dahil sa ganitong kaisipan ng marami nating kababayan, dapat apurahin ng Supreme Court na umaaktong Presidential Electoral Tribunal (PET) ang protesta ni Loren Legarda, ang nakatunggali ni Kabayan sa nakalipas na eleksyon. Dapat lumutang ang totoo sa ngayon pa lang. Kung mapatalsik si GMA at hindi pa naaayos ang gusot, baka hindi magtagal ay may mga magpoprotesta rin para mapatalsik si Kabayan kung sakaling siya ang humalili.

"Pabor ako riyan" anang isa kong kabarkda. "Afterall, mataas ang academic qualifications ni Loren," dagdag niya. Nasubukan na rin aniya ang dedikasyon ni Loren sa trabaho nang ito’y Senadora pa.

Sa kasamaang palad, parang may deliberate attempt para ma-delay ang muling bilangan ng mga balota kahit may P4 milyong deposit na si Loren sa PET para umusad ang kanyang protesta.

Sabi nga ni Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino legal counsel Rufus Rodriguez, sa recount pa lang ng mga balota sa Cebu ay lilitaw na ang manipulasyon para matalo si Loren. Ganyan kakampante ang kampo ni Loren. Takot nga ba si Kabayan sa muling bilangan?

HELLO GARCI

KABAYAN

LOPEZ

LOREN LEGARDA

NAGKAKAISANG PILIPINO

PRESIDENTIAL ELECTORAL TRIBUNAL

RESIGN GLORIA

RUFUS RODRIGUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with