Ilang beses nang naisalang si Sandra Cam, confessed bagwoman na umanoy nagdedeliber ng milyong peso kay Mikey at Iggy sa House of Representatives sa utos naman ni police ret. Restituto Mosqueda, hepe ng Bicol region.
Nagbabangay na ang abogado ni Cam at ang mga senador na nag-iimbestiga sa jueteng scandal. Nagsimula ang imbestigasyon sa jueteng noon June 6 nang iharap ni Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz ang kanyang mga witness na kinabibilangan nina Wilfredo Mayor. Richard Garcia, Abraham Riva at si Sandra Cam. Si Mayor, Garcia at Riva ang mga unang testigo na idinawit si FG Arroyo at Mikey kasama ang matataas na opisyal ng pulisya.
Lumutang si Cam at sinabing siya ang nagdedeliber ng pera para kay Mikey at Iggy sa House. Dinadala niya ang milyones na naka-bundle na. Si Mosdqueda ang nag-utos sa kanyang dalhin iyon. May isang pagkakataon ayon kay Cam na kulang ng P100,000 ang dineliber niya kay Iggy at na- galit pa ito. "Sabihin mo sa boss mo na walang bagyo-bagyo sa akin," sabi raw ni Iggy. Nagkaroon daw ng bagyo sa Bicol ng panahong iyon kaya kulang ang naideliber.
Mahigit isang buwan na ang nakalilipas mula nang mabulgar ang payola subalit wala pang nararating ang imbestigasyon. Si Cam ang matibay na testigo na ginigiling ng Senado na pinangungunahan ni Sen. Richard Gordon subalit pawang pag-aaway lamang ang nangyayari. Ang abogado ni Cam na si Frank Chavez ay nakikipagtaasan ng boses kay Gordon. Hinahalukay ni Gordon ang pagkatao ni Cam na tinututulan naman ni Chavez. Hanggang sa i-adhjourn ang hearing. Walang natapos. Walang nangyari sa jueteng.
Habang pauntul-untol ang imbestigasyon, patuloy naman ang bola ng jueteng sa maraming barangay sa bansa. Wala na rin ang kampanya ng PNP na sisibakin ang police official kapag napatunayang may jueteng sa nasasakupan. Anak ng jueteng talaga! Jueteng-ina nyo!