Ganyan ang kalagayan ni Presidente Arroyo. Pati si dating Presidente Cory Aquino ay nananawagan na sa kanya na kusang magbitiw sa ikabubuti ng bayan. Ngunit ang sagot ni Gloria, "i-impeach nyo ako." Iginigiit niyang malinis ang kanyang pagkakaluklok sa puwesto. "Hindi ako nandaya," aniya. Naniniwala siyang magiging traydor siya sa mga taong nagbigay sa kanya ng mandato kung siyay aalis sa puwesto.
Kaugnay ng sampung miyembro ng gabinete na nagbitiw at nanawagan din sa kanyang pagri-resign, damdam ng Panguloy "ipinagkanulo siya."
The President wants a day in court. Sa kaso niya na may immunity from suit, impeachment ang sagot. Ang Mababang Kapulungan ang tatayong tagausig o prosecutor. Kung may kaso, isasampa ito sa Senado na tatayong Hukuman na ang magpi-preside bilang hukom ay ang Punong Mahistrado ng Korte Suprema.
Ayaw tanggapin ito ng tao dahil sa impresyong sa dami ng kanyang mga kapanalig sa Kamara de Representante, malulutong-makaw lang ang kaso.
Unfortunately, kakaiba ang krimeng ipinaparatang sa Pangulo. Hindi ito katulad ng ordinaryong krimen ng pagnanakaw o pagpatay ng isang karaniwang mamamayan na lilitisin muna at papatawan ng parusa kung mapatutunayang nagkasala. This is a rare case where the accused is considered guilty first until proven innocent, alas! Ang impeachment ay mahabang proseso at habang itoy isinasagawa, malubhang maaapektuhan ang pagpapatakbo ng pamahalaan. Sa paniwala ng marami hindi na epektibong pinuno ang Pangulo. Nakaamba ang anarkiya sa ating lipunan. Kaya nga ang panawagan ng mga ibig magbitiw ang Panguloy "make a supreme sacrifice."
Kung talagang wala siyang sala, history will be the judge.