Batay sa Constitution, ang Vice President ang dapat pumalit kapag nag-resign o natanggal ang Presidente.
Bilang na raw ang oras ni President Gloria Macapagal Arroyo. Kumalas na ang karamihan sa mga miyembro ng kanyang Gabinete. At kapag nagbitiw si GMA, si Kabayan ang papalit sa kanya. Subalit, may mga sektor na ayaw kay Kabayan dahil sa kasama raw ito sa administrasyon ni GMA na ayaw nila ang ginagawang pamamalakad. Nais nila na kumalas muna si Kabayan bago itulak na kapalit ni GMA.
Marami ang umaasa na mapapatalsik si GMA kaya inuudyukan nila si Kabayan na sumama na sa kanila sa kanilang adhikain. Naniniwala silang ito ang pinakamabilis at pinaka-legal na pamamaraan subalit, alumpihit pa rin si Kabayan. Hindi pa rin nito malaman kung susundin niya ang ginawa ni Gloria nung ito ay bise presidente pa ni Erap o maghahalukipkip na lamang.
Naniniwala ako na masusi nang pinag-aaralan ni Kabayan at ng kanyang mga advisers kung ano ang mga gagawin niyang hakbang. Alam ni Kabayan na dapat na siyang kumilos sapagkat baka mahuli siya sa biyahe.