^

PSN Opinyon

Corrupt ang sibakin!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
BINABATI ko ang newly elected officials ng Ninoy Aquino International Airport Press Corps Inc., sina Jerry S. Yap, nanalong panggulo este mali Pangulo pala, Napoleon Sanota, Vice-Prez, Resurrecion Ramones Secretary, Jerry Tan, Treasurer at Rodolfo Genteroy, Auditor.

Samantalang nanalo naman Chairman of the Board ang inyong lingkod, BUTCH QUEJADA, ang Chief Kuwago ng ORA MISMO, ang mga Directors ay sina Cynthia Cabayan, Willy Balasa, Gloria Galuno at Edwin Alcala.

Si Loy Caliwan, dating Prez ng grupo ang siyang Ex-Officio, Ato Co, External Affair Officer.

Ang isyu, masama bang maging matalik na kaibigan ni First Gentleman Mike Arroyo? Ito kasi ang pinag-uusapan ngayon sa barberya ni Mang Kepweng.

Ang mga kuwago ng ORA MISMO, ay may 20 years nang nagko-cover sa paliparan kaya kahit takbo ng ipis ay amoy ko.

Kung may mga ogag na opisyal na umupo sa NAIA nangangamoy ito na matindi pa sa singaw ng utot kaya dehins sila tumatagal sa puwesto.

Himay ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung sinu-sino ang mga patabain baboy sa NAIA. Hindi lulusot sa kanila ang mga istilo ng mga kamote todits.

For your information, dehins ang mga kuwago ng ORA MISMO, ang Public Relation Officer ni MIAA General Al Cusi. Hindi Kurap si Al Cusi!

Sangkaterba ang pitsa ni Al ng pumasok at manilbihan sa government. Sabi nga, mucho dinero! May sariling panggastos si Al for your information mga critics gang.

Sangkatutak ang we bulong group na kakampi ng NAIA Press Corps Inc. kaya dehins lulusot ang balita sa kanila. Mabigat ang balitang kumakalat sa ngayon basta kadikit ni First Gentleman Mike Arroyo tiyak sama sa magigisa. Si Al, ay isa todits!

Kaya nga everyday and holidays ay sangdamakmak ang nagagalit sa administrasyon.

‘‘Bakit kaya?’’ tanong ng kuwagong maninisip ng tahong.

‘‘Kayo ang sumagot ng tanong’’ sabi ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Hintayin na lang natin ang mangya-yari,’’ naiinis na sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Buti pa nga kamote!’’

vuukle comment

AL CUSI

ATO CO

CHAIRMAN OF THE BOARD

CHIEF KUWAGO

CYNTHIA CABAYAN

EDWIN ALCALA

EXTERNAL AFFAIR OFFICER

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GENERAL AL CUSI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with